Saturday , November 16 2024

‘Rosaryo’ bawal din sa rearview ng sasakyan (Hindi lang gadgets, mobile phones)

052117_FRONT
KAHIT ang Rosario na ginagamit ng mga Katoliko sa pagdarasal ay ipinagbabawal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa windshield ng mga sasakyan.

Bibigyan ng isang linggo ang mga driver ng pampubliko at pribadong sasakyan na tanggalin ang ano mang abubot sa kanilang dashboard at windshield, ayon sa LTFRB nitong Biyernes ma-ging ang Rosario.

Maraming motorista ang nagtanong tungkol sa tinatawag na “line of sight” sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) dahil bawal itong maharangan ng hands-free devices tulad ng smartphone para sa paggamit ng navigational apps.

Paano anila ang iba’t ibang accessories na nakapatong sa dashboard o nakasabit sa windshield? Hindi naman mga gadget ito ngunit nakahaharang din.

Ayon kay Aileen Li-zada, board member ng LTFRB, mayroon nang batas na nagbabawal: ang Joint Administrative Order (JAO) 2014-01.

Sa ilalim nito, bawal ang “defective and unauthorized accessories” na maaaring “prejudicial to road safety” at ayon kay Lizada, kasama rito ang popular na bobbing head dogs, kumakaway na laruang pusa, at iba pang display sa taas ng dashboard, pati ang kurtina sa windshield. Gayondin ang nakasabit na Rosario sa rearview mirror ay ba-wal.

Sa 26 Mayo, dapat ay natanggal na ito, private o public utility vehicle man ang minamaneho, kundi ay pagmumultahin ng P5,000.

Kabilang dito ang mga jeepney na tadtad ng signages ng ruta ang windshield.

Ayon kay Lizada, dapat tanggalin na ito. Dapat aniya talaga ay sa gilid ng jeep at hindi sa windshield nakasaad ang signages.

Lilinawin ang mga patakaran sa ilalabas na memorandum circular ng LTFRB bago 26 Mayo.

Habang sa mga dri-ver na may ibang pinaggagamitan ng kamay maliban sa pagmamaneho, paglabag din ito sa JAO 2014-01.

Halimbawa ni Lizada ang mga nagme-makeup habang magmamaneho o umiinom ng kape.

Pasok ito sa “reckless driving” na probisyon ng JAO at may katumbas na multang P2,000 hanggang P10,000, at maaari rin mabawian ng lisensya.

Inilinaw lahat ito sa pulong ng transport agencies ukol sa ipinatupad na ADDA.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *