Sunday , November 24 2024
MASAYANG tinanggap ng taxi driver sa Hong Kong ang reward na HK$500 mula sa may-ari ng MacBook na naiwan sa kanyang minamanehong sasakyan.

Honesty combined with police electronic technology to serve the people at its best

HONEST people is very amazing, lalo na sa panahon ngayon.

E di lalo na kung nakita o naranasan mong makatagpo ng mga tapat na tao sa isang lugar o bansa na ikaw ay maituturing na estranghero.

Ito po ay personal na karanasan ng isa nating kaanak at gusto naming ibahagi sa inyo to feel good about these kind of people.

Tuwang-tuwa ang isang kaanak ng inyong lingkod dahil hindi niya akalain na ang kanyang MacBook na naiwan niya sa isang taxi sa Hong Kong ay mabilis na maibabalik sa kanya kahit nandito na siya sa Filipinas.

Madaling-araw noon ang flight niya pabalik sa bansa kaya s’yempre medyo inaantok pa siya, kaya pagbaba niya ng taxi sa Hong Kong airport deretso na agad sa loob para mai-check-in ang kanyang mga gamit.

Habang nagtse-check-in ng kanyang mga gamit doon niya napansin na nawawala ang kanyang MacBook at na-realize nga niya na naiwan niya sa taxi.

First thing first, dahil kailangan na niyang mag-check-in, nag-decide siya na harapin na muna ang biyahe pabalik sa bansa.

Kaya pagdating na pagdating niya sa NAIA agad siyang nakipag-ugnayan sa hotel na kanyang pinanggalingan para alamin ang kompanya at plate number ng taxi na kanyang nasakyan.

Upang mapabilis, pinayohan siya ng hotel na ipaabot sa Hong Kong police (Wan Chai police station) ang insidente sa pamamagitan ng kanilang website.

Agad naman itong ginawa ng kaanak natin. Ipinadala niya by e-mail sa website ng Wan Chai police ang incident report na ang purpose ay ma-recover ang kanyang naiwang MacBook.

Aba, grabe sa bilis, kinabukasan naibalik kaagad sa police station ang MacBook ng ating kaanak. Nang i-report sa kanya ng hotel, sinabi na lang niya kung ano ang pangalan ng kukuha for safekeeping.

Agad din niyang ipinahanap ang taxi driver at binigyan ng kaunting reward dahil sa kanyang katapatan.

Tama lang ang ginawa ng ating kaanak na agad gumawa ng effort para ma-locate ang kanyang MacBook dahil kung hindi naman niya gagawin ito, hindi rin malalaman ng taxi driver kung kanino at paano isasauli.

Sa totoo lang, kahit ang inyong lingkod ay na-overwhelm sa kuwentong ito.

I called it honesty combined with electronic technology to serve the people at its best.

In short, ito po ‘yung tamang paggamit ng electronic technology para mapabilis ang serbis-yo sa mamamayan.

Gaya ng ginawang pag-asikaso ng Wan Chai police sa incident report na ipinadala sa kanila by electronic mail. Walang kuwestiyon-kuwestiyon sa nagpadala ng email agad nilang hinanap ang taxi driver.

At ang taxi driver naman ay talagang na-relieve dahil hindi niya alam kung kanino at kung paano maisasauli ang MacBook.

Ayaw naman natin magkompara pero kung tekonolohiya at galing ang pag-uusapan, hindi naman tayo nahuhuli sa ibang bansa.

Taon-taon ang dami-daming guma-graduate ng Information Technology (IT) sa ating bansa, marami rin guma-graduate ng mass communication na hindi na nga alam kung saan magtatrabaho, hindi ba sila puwedeng kunin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan lalo na ng Philippine National Police (PNP) para makatulong na iangat ang sistema ng komunikasyon?!

Hindi ba’t makapagpapabilis sa trabaho ng pulisya kung magagamit nang tama ang electronic technology at hindi lamang sa paglalaro ng games o pagbababad sa social media na puro lip service lang at walang katuturang epal?!

Muli, nananawagan tayo kay PNP chief, Director General Ronal “Bato” dela Rosa, baka naman  puwedeng ito ang maging legacy ng iyong pamumuno?

Panahon na siguro para i-upgrade ng PNP ang sistema ng pagtanggap nila ng reklamo mula sa mamamayan sa pamamagitan ng electronic technology?!

How about that, DG Bato, sir?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *