INIUTOS ng Department of Justice (DoJ) ang pag-atras sa drug charges laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at kasama niyang isang Chinese national, na nakabinbin sa Manila Court.
Ito ay makaraan pagbigyan ng DoJ ang petition for review na inihain nina Marcelino at Yan Yi Shou kaugnay sa September 2016 resolution, nagresulta sa pagsasampa sa kanila ng kasong possession of dangerous drugs sa Manila Regional Trial Court Branch 49.
Pinagtibay ng nasa-bing review resolution ang rekomendasyon ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva noong 23 Mayo 2016, na idismis ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Nilagdaan ni Justice Undersecretary Deo Marco, may petsang 17 Mayo, iniutos sa review resolution sa Manila Prosecutor’s Office na iatras ang kaso at mag-ulat sa ginawang aksiyon sa loob ng sampung araw.
Idiniin nina Marcelino, dating opisyal Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Yan, ipinatutupad lamang nila ang kanilang lawful duties at nagsasagawa ng surveillance noong 21 Enero 2016, nang sila ay abutan ng raiding team, at nakompiska ang 77 kilo ng shabu sa isang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.