Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boobsie Wonderland, apat na beses nakatukaan si Jay Manalo!

ANG life story ng komedyanang si Boobsie Wonderland ang tampok ngayong Sabado sa Magpakailanman ni Mel Tiangco. Makikita rito ang ilang bahagi ng kanyang talambuhay na hindi pa alam ng publiko, gaya ng pagiging magnanakaw niya ng isda noong bata pa. Siya mismo ang gaganap sa kanyang life story.

Sa panayam namin kay Boobsie, nabanggit ng Kapuso comedienne ang ilang highlights ng episode ng life story niya sa Magpakailanman.

Kuwento niya, “Naku napakarami pong highlights ng buhay ko! Nandiyan iyong noong kabataan ko, iniwan na ako ng papa ko at hindi alam ng mama ko na habang lumalaki ako ay naging bakaw ako sa fish port. Ibig sabihin po niyon, naging batang magnanakaw ako ng isda. At sa edad na 14 or 15 yata ako niyon eh, paalis na ako papuntang Japan.”

Ayon pa kay Boobsie, kinabahan siya sa paglabas sa Magpakailanman. “Kasi po di ba nga, mukhang sa pagpapatawa at pambalahura lang ako nasasabak, hindi naman sa drama. Eh siyempre po, Magpakailanman ito, so expected mo na may iyakang magaganap. Eh hindi po ako handa sa mga ganyang eksena, hahaha!

“Pero sabi po ni Direk Rechie, good take naman daw po ang pag-iyak ko ng malala, Hahaha! Salamat po sa kanya, kasi tinuruan niya po ako at tinutukan sa pag-arte.”

Sino ang mga kasama mo sa episode na ito? “Makakasama ko po rito si Kuya Jay Manalo bilang asawa ko, si Ms. Elizabeth Orapesa bilang nanay ko, Makee Dudalia at Joana Marie Tan bilang mga bata at dalagitang Boobsie at marami pa pong iba.

“Bale comedy, drama, at love story po ang kuwento ng buhay ko na mapapanood nila rito. Marami pong mapupulot na aral ang mga manonood sa love story ko at iyon po ang pakaabangan nila ngayong Sabado ng gabi, ang kilig, tawa, at iyak.”

May love scene kayo rito ni Jay?

Tumawa muna si Boobsie bago sumagot, “Tito napakagaan katrabaho ni Kuya Jay, sobrang galing! Talagang mahahatak ka sa eksena.

“Wala nga po sanang kissing scene, pero laking gulat ko nang hinalikan niya ako. Siyempre nagulat po ako, kaya nailang ako at nag-cut si Direk Rechie. Kaya ginalingan ko na at naging apat tuloy na sunod-sunod ang kiss ni kuya Jay sa labi ko, waaaaaaaaa! Ang sarap!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …