Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, minsan pang nagpakita ng husay sa Ang Probinsyano

IBA talaga ang galing sa pag-arte ni Arjo Atayde, kaya hindi kataka-taka kung kaliwa’t kanan ang nakukuha niyang acting awards lately. Kagabi ay muling pinabilib ni Arjo ang mara-ming suking manonood ng top rating TV series nilangFPJ’s Ang Probinsyano na tinatampukan ni Coco Martin.

Kami mismo ay saludo sa ipinamalas na acting ni Arjo kagabi. Particular na eksena ay nang napapaiyak na sa sobrang galit si Joaquin Tuazon (Arjo) dahil nalaman niya na ang inang si Verna Tuazon (Agot Isidro) ang naghudas o nagturo kung nasaan ang kanilang hide-out. Ang isa pang eksena ay nang aksidente niyang nabaril ang sariling ina na si Agot, nang iharang nito ang katawan para sa mga balang nakalaan kay Cardo Dalisay (Coco).

Astig talaga ang galing ni Arjo, kaya bagay talaga siya bilang kontrabida ni Coco. I’m sure, marami na naman ang lalong nasuklam kay Arjo kagabi.

Anyway, patindi nang patindi ang mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano ngayon. Bukod sa umaatikabong bakbakan na talagang tatak-FPJ, ang daming blastings dito ngayon. Sabog dito at sabog doon ang mga eksenang natutunghayan sa Ang Probinsyano. At marami talagang mga pulis at goons na nagbabakbakan.

Namatay na si Art Acuña bilang si Colonel Roy Carreon at namatay na rin si Agot. Inaabangan ng marami ngayon kung sino ang susunod na mawawalang karakter sa seryeng ito.

Marami ang nagtatanong kung matsutsugi na rin ba si Joaquin sa Ang Probinsyano? Wish namin ay mahuli lang ito after ng isang umaatikabong ratratan with Cardo. Tapos kapag malapit na ang finale ng seryeng ito, makakatakas si Joaquin para sa climactic ending ng matinding sagupaan nila ni Cardo.

Si Arjo kasi ang pinaka-arch nemesis ni Coco sa seryeng ito, although sa simula ay ang kakambal niya ang kaaway ni Joaquin. Kaya mas maganda kung hanggang sa katapusan ng Ang Probinsyano ay nandoon ang posibilidad na makatakas si Joaquin at makaresbak siya kay Cardo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …