Saturday , November 16 2024
dead gun police

Undercover cop patay sa minamatyagang drug suspect (Sa Balayan, Batangas)

BINAWIAN ng buhay ang isang undercover cop makaraan pagbabarilin ng minamatyagan niyang drug suspect sa Balayan, Batangas, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang pulis na si SPO1 Brian de Jesus, miyembro ng intelligence division ng Balayan Police Station.

Nakatakas ang suspek sa pamamagitan ni Rodolfo Macalindong, isa sa most wanted persons, at hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa naturang ba-yan.

Nagtungo si De Jesus sa covered court ng bayan bandang 1:20 am nang mabalitaang nanonood ng live band performance si Maca-lindong.

Sa kainitan ng concert, biglang binaril ni Macalindong ang pulis.

Nadamay ang anim sibil-yan na nanonood din ng concert, kasalukuyang nila-lapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon sa lokal na pulisya, tumakas si Macalindong makaraan ang pamamaril, kasama ang tatlo pang armadong lalaki, isa sa kanila ay kinilalang si Francisco Arroyo.

Ayon sa mga saksi, may dalang mahahabang baril ang grupo ni Macalindong.

Pinaghahanap ng mga lokal na pulisya si Macalindong at ang kanyang mga kasamahan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *