Monday , November 25 2024

Congratulations new chief diplomat Sen. Alan Peter Cayetano!

Matapos ang Kumpirmasyon sa makapangyarihang Commission on Appointment ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong talagang DFA Secretary nagpakuha ng larawan si Senate President Aquilino Pimentel III sa Senado kahapon.(JERRY SABINO)
Matapos ang Kumpirmasyon sa makapangyarihang Commission on Appointment ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong talagang DFA Secretary nagpakuha ng larawan si Senate President Aquilino Pimentel III sa Senado kahapon.(JERRY SABINO)

WALANG kahirap-hirap, mahigit tatlong minuto lang, kompirmado agad si Senator Alan Peter Cayetano bilang bagong Secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sabi nga ni Senator Panfilo “Ping” Lacson bilang CA Committee on Foreign Affairs, ito ang pinakamabilis at pinamaikling appointment hearing para sa isang Cabinet secretary.

Walang tumutol at sabi nga ‘e unanimously agreed kahit ang opo-sisyong si Mega Senator Kiko Pangilinan.

Iba talaga kapag gusto ‘di ba, maraming paraan…pero pag ayaw ang daming tsetse-buretse at dahilan gaya ng nangyari kay Gina Lopez?!

Anyway, kilala naman natin kung paano magtrabaho ang kakokompirmang si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano — diligent. Konting charisma pa at konting kontrol lang sa pagsasalita, e makakabilang na siya sa mahuhusay na presidential contender.

Ooopppsss… sariling basa lang po ng inyong lingkod ‘yan, huwag naman ninyong sakyan agad dahil magtatatrabaho muna siya bilang bagong DFA.Mayroon lang tayong ilang concern sa bagong kalihim ng DFA lalo’t nag-aalboroto ang overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang mga pamilya sa pagtrato sa kanila sa kasalukuyang sistema.

Una, ibaba ang presyo ng bayarin sa pagkuha ng passport ng isang OFW. Sa kasalukuyan umaabot sa P900 hanggang P1,200 ang binabayaran ng isang aplikanteng OFW sa DFA hindi pa kasama riyan kung kanyang ipado-door to door.

Napakagandang legacy ng Duterte administration kung maibaba ang bayad sa pasaporte ng isang OFW, ‘di ba mga DDS?

Ikalawa, pabilisin ang proseso ng appointment at pag-iisyu ng passport.

Alam ng lahat na napakahirap kumuha ng online appointment ngayon sa pagkuha ng passport. Tatlong buwan ang pinakamaagang appointment na makukuha ng isang aplikante sa online.

Kaya nga maraming OFW ngayon ang nababalewala ang nakukuhang job order at kontrata dahil hindi ganoon kabilis na nakakukuha ng passport.

Kung hindi kayang babaan agad ang presyo, sana ay bigyan ng espesyal na konsiderasyon ang mga OFW lalo na ‘yung kailangang-kailangan ng passport.

Uulitin lang natin, kapag gusto, maraming paraan, kaya hindi ‘himala’ kung mangyari man ‘yan.

At ang importante sa lahat, sana’y huwag mahawakan sa ilong ng APO-UGEC ang ilong ni Secretary Alan Peter.

Ayaw naman natin hamunin si Secretary Alan na sana’y unahin niyang ibalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-iimprenta ng passport.

Pero sana, dahil mainit at malaking isyu ito, upuan sana ni Secretary ang kasong ito para basahin, pag-aralan, repasohin at desisyonan kung ano ang karapat-dapat at nararapat…

Panatilihin kaya sa UGEC, na sinabing pag-aari ng isang malaki at maimpluwensiyang negos-yante, o ibalik sa BSP ang pag-iimprenta ng pasaporte?!

Senator Alan, unang kaso po iyan na kailangan ninyong gamitan ng Solomonic decision!

Sana’y hindi mabigo ang sambayanan.

MARAMI PANG
ILLEGAL NA SUGAL

KA JERRY, ipinahuli ng GAB ang illegal bookies sa Maynila, pero bakit isa lang? Ang dami nyan sa Manila, Pasay, Caloocan, Malabon, Valenzuela. Sakla nagkalat sa Tondo. Santambak rin ang video karera. Lahat dapat hulihin!

+63915877 – – – –

BULOK TALAGA
ANG KOLIN AIRCON

GOOD pm sir Jerry, nakabili rin ho ako ng Kolin aircon. Sakit ng ulo talaga. Bulok ang service center nila. Mapapamura kang talaga. Gusto ko lng malaman ng mambabasa n’yo na wag magkamaling bumili ng Kolin aircon. Salamat po.

+639069288 – – – –

KOTONG FREE MANILA
TRAFFIC ENFORCER

SIR, sabi ni Mayor Erap drug free na raw mga traffic enforcer sa Maynila. Pero sana, kotong free rin cla!

+63918550 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *