BAWAL umangkas ang maliliit na bata sa motorsiklo sa national roads, at highway sa buong bansa, ayon sa nakasaad sa Children’s Safety on Motorcycles Act or Republic Act 10666, magiging epektibo sa 19 Mayo.
“Only children whose feet can reach the foot peg, could wrap their arms around the driver’s waist, and wears protective gear such as a helmet may be allowed to ride on a motorcycle with an adult,” pahayag ni Transportation Assistant Secretary Richmund de Leon, sa press conference sa Mandaluyong City, nitong Miyerkoles.
Nakasaad sa RA 10666, sino man magmamaneho ng motorsiklo ay hindi maaaring mag-angkas ng mga bata sa public roads na malaki ang volume ng mga sasakyan, o may high-density ng mabibilis na sasakyan, at ang speed limit ay mahigit 60 kilometro bawat oras.
Ngunit may “exemptions” sa ilang mga kaso, katulad ng paghahatid ng bata sa emergency situations at kailangan ng mabilisang atensiyong medikal.
Ang mga lalabag ay may multang P3,000 sa unang paglabag, P5,000 sa pangalawang paglabag, at P10,000 sa pa-ngatlong paglabag, at isang buwan suspensiyon sa lisensiya ng driver.
“Violation beyond the third time shall result in automatic revocation of the offender’s driver’s license,” ayon sa RA 10666.
Ang Land Transportation Office (LTO), ang pangunahing ahensiya na magpapatupad ng batas, at maaaring atasan ang traffic officers ng Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority at local government units para sa implementasyon nito.
Ang RA 10666 ay nilagdaan noong 21 Hulyo 2015, ngunit ngayong taon pa lamang ipatutupad.
“‘Yung pag draft ng implementing rules and regulations involves public consultation with various stakeholders. Medyo natagalan ang pag-implement kasi nagkaroon ng gap dahil sa transition into the new administration,” paliwanag ni De Leon.