Thursday , December 26 2024

Ariel Rivera click pa rin bilang singer, kahit mas aktibo ng actor

MADALAS man napapanood sa mga teleserye, hindi pa rin maiiwan ni Ariel Rivera ang pagiging singer. At kahit wala siyang album, madalas pa rin siyang pakantahin o napapanood sa mga concert.

Tulad sa darating na May 27, muli siyang mapapanood sa isang concert na handog ng Royale Chimes Concerts & Events Inc., ang #LoveThrowback2 The Repeat sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall. Makakasama ni Ariel rito ang iba pang OPM royalties na sina Christian Bautista, Joey G., Jinky Vidal, Nina, at Hajji Alejandro.

Aminado si Ariel na mas madalas siyang mapanood sa mga teleserye kaysa concerts. “Mahirap kasing pagsabayin kapag may teleserye ka.  Ang kadalasang taping naming eh, 4x a week. Mahirap isabay ýung pagkanta sa serye,” paliwanag ni Ariel.

Aniya, hindi naman siya nag-lowlie sa pagkanta. “I think it’s a natural progression. Kasi, most singers would venture into movies, tapos TV, it’s just so happen, like I said sinuwerte ako na after one project to another nabibigyan ako (ng teleserye project, mapa-ABSCBN man o GMA 7).

“It was my choice obviously na to accept it, but it’s one teleserye after another. So, mahirap namang tanggihan ‘yung mga ganoon. Right now in this business iyon ang bumubuhay sa amin, iyong TV. Teleseryes specifically, so it wasn’t conscious effort to stay away from music, its just an evolution I guess,” sambit pa ng actor.

Nilinaw pa ng singer/actor na hindi siya na-burn-out kung kaya iniwan niya ang pagkanta. “No, no, and I try to in between I would do musical, I love musical. From acting to singing is theater, which is weird ano?! I guess, it’s combined both world eh, singing and acting. I’ve only done mga 3 or 4 plays but problema sa theater is pera, you have to choose your stuff.”

Natigil ang pagiging recording artist ni Ariel simula nang mawala ang kanyang recording company, ang BMG Records. Hindi naman na siya naghanap ng recording company dahil alam niyang karamihan sa mga ito ay mas gustong ipagproduce ang mas batang singer.

“Mas concentrated sila sa mga younger artist.  Ang primary concern nila eh, mas bata,” anito. “And to be honest with you, I didn’t have the time (makapag-record ng album), sunod-sunod kasi ang serye ko. Ang paano mo tatanggihan ang isang serye if it’s bring the bacon ‘di ba?  And they (the network) give you good projects naman. The projects they give you or roles is not hindi lang naman ako design. Magaganda ang roles an ibinibigay sa akin.”

Ukol naman sa sinasabing masuwerte si Ariel o may edge sa ibang singer dahil magaling siyang umarte, “I think they just not being given the time. I honestly believe na ang mga singer, can really act kasi they have to express the emotion on stage. Siguro lang, hindi nila sineseryoso ang acting. But I do, in any projects I do, kung ano man ang dumarating sa akin, I really trying to do my best job.”

Paano nga ba ini-improve ni Ariel ang pagiging actor? Nagwo-workshop din ba siya? “In every role, if I’ve done 30 roles, 80 percent of that is the same—good father, good husband etc.,  its really hard to… and you’ve confine to this character because the scripwriter writes it or the writer writes like that. So, when you’ve given the same… kasi you’re stereotype and you’ve give the same roles, you tend to give the same emotion, kaya parang naka-stereotype na.

“Hindi ako nagwo-workshop. May nakikita akong magagaling na actor na nagiging technical nawawala ‘yung galing nila. Ang ginagawa ko, pinaghahandaan ko lang mabuti and I memorize my lines so well, so kapag take na, mas naibibigay ko ýung nuances ko.”

At dahil mas mas madalas ngang pare-pareho ang role na naibibigay sa kanya, natuwa siya sa bagong proyektong ibinigay sa kanya ng GMA 7, “I love it. It’s fully different for me. Kasama ako sa ‘Mulawin vs Ravena’. Im not bad, rebellious at the same time. Sa mundo ako ng mulawin. Bago ito sa usual na ginagawa ko. Kaya exciting,” kuwento pa ni Ariel na ganito rin ang naramdaman niya kapag gumagawa ng musical. Ang huli niyang ginawang musical ay ang Sound of Music, 2-3 years ago.

Bagamat abala sa kanyang pagiging actor, hindi pa rin naman isinasantabi ni Ariel ang pagkanta. Katunayan, marami pa rin siyang imbitasyon para kumanta at mag-show abroad.

“Surprisingly I do a lot of singing and that always surprises me. Sinasabi ko lagi kina Rowena, kay Boy (Backroom), somebody still wants me to do concert, nagko-concert ako sa Australia, Pagcor, almost people still want to hear me. My God hindi na ako kumakanta, I’m just blessed I guess, Im thankful,” natutuwang paglalahad pa ni Ariel.

Sa kabilang banda, kung gusto nýong marinig muli ang ginuntuang tinig ni Ariel at marinig ang mga awitin niya tulad ng Sana Kahit Minsan, o ng The Way You Look At Me ni Christian, Forevermore ni Joey, So Slow ni Jinky, Someday ni Nina, o May Minamahal ni Hajji, watch na kayo ng #LoveThrowback sa May 27na ang ticket ay mabibili sa SM Tickets, Ticketnet, at Ticketworld outlets.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *