Thursday , December 26 2024

Fixcal ‘este’ fiscal pinagpapaliwanag ni Justice Sec. Vit Aguirre

BUMINGO rin si Manila Prosecutor Edward Togonon.

‘Yan ang nagkakaisang pahayag ng mga tinamaan ng mga ‘misteryosong resolusyon’ kabilang ang kamag-anak ng apat na senior citizens na naunang sinalakay at dinampot ng pulis-Maynila sa isang hotel sa Maynila dahil umano sa ilegal na droga.

Namatay na ang isa sa kanila na kinilalang si Api Ang, 61 anyos.

Habang ang tatlong natira ay nagtagal pa sa detention cell kahit na-dismiss na ang kanilang kaso.

Ayon sa abogado ni Ang, sa simula’t simula ay may iregularidad na. Mantakin ninyong, tatlong oras nagtagal ang raid sa loob ng isang kuwarto sa hotel?

Mismong si National  Capital Region Police Office (NCRPO) chief, General Oscar Albayalde ay nag-utos na imbestigahan ang 25 pulis-Maynila na nag-conduct ng nasabing raid noong Nobyembre 2016.

Pero ang higit na nakapagtataka sa kasong ito, kuwestiyonable na nga ‘yung raid, sinuhayan pa ng ‘kabulastugan’ ni fixcal ‘este fiscal?

Ngayon, maging si Justice Secretary Vit Aguirre ay naghahanap ng maliwanag na paliwanag…

Bakit nga ba, Fiscal Boy Togonon?

Hindi naman natin masasabing politika ito, komo marami ang nakaaalam na ang ‘patron’ ni Togonon kaya siya na-appoint na Manila city prosecutor ay sina Senator Frank Drilon at ex-Justice Secretary Leila De Lima.

Nakupo, mga solid dilawan pala?!

Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang kung paano magpapaliwanag si Togonon kay SOJ.

Hindi lang kasi iisa kundi marami ang umuugong na balita, na maraming bumabaliktad na kaso, dahil sa ‘makapangyarihang  kumpas’ ng isang Fiscal diyan sa Maynila?!

Ebidensiyang-ebidensiya na nga riyan, ‘yung kaso nitong apat na senior citizens na dismiss na ‘yung kaso pero hindi pa rin sila ini-release.

Kung hindi pa nakialam si Secretary Aguirre, malamang, hanggang ngayon nasa detention cell pa rin sila.

Wattafak!?

MOCHA GIRLS
IA-APPOINT RIN DAW

051617 Mocha girls

SIR, sana ‘yun ibang Mocha Girls i-appoint na rin sa gobyerno. Kasama at naghirap rin nman sila sa kampanya ni Pres. Duterte. Puwede sa DSWD o sa DepEd ‘yun ibang Mocha Girls.

+639174166 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *