Importante umano ang tinaguriang Pork Barrel queen na si Janet Napoles sa isinusulong na anti-corruption drive ng Duterte administration.
Pero kung ano man ang sinasabing importansiya ni Napoles sa pagdidiin sa tunay na utak ng Pork Barrel scam sila lang ang nagkakaalaman.
Wala raw kinalaman ito sa isinusulong na ma-ging state witness umano si Napoles sa kaso laban kay dating justice secretary Leila De Lima.
Naniniwala si Justice Secretary Vit Aguirre, mayroon pang ‘tunay na utak’ sa likod ni Napoles sa Pork Barrel scam.
Sa pagkakataong ito, ‘yun umano ang dapat nilang mai-swak sa pagkakataong ito.
Abangan na lang natin kung may bagong pasasabugin itong si Napoles!
Agrabiyado naman sina Jinggoy, Bong at Enrile kung sila nga lang naman ang nakasuhan at nakulong, ‘di ba mga DDS!?
REACTION
KAY NAPOLES
Dear Sir:
Tama si Ana Marie Pamintuan isang kolumnista, sa ating bansa ang hustisya ay “weather-weather lang” na pinasikat ni dating Pangulong Erap.
Ang mga dating Pangulo na sina Erap at Gloria Macapagal-Arroyo ay nakulong sa mga akusasyong ibinibintang sa kanila ng mga nakaupong administrasyon. Pero muli silang bumangon.
Si Erap ay ngayon ay alkalde na ng Maynila. Si Gloria naman ay nasa pangalawang termino bilang Pampanga congresswoman.
Ngayon, napawalang-sala si Janet Lim-Napoles sa kanyang kasong “illegal detention.” May bulongan na maaaring maging star witness si Napoles sa Priority Development Assistance Fund or PDAF Scam sa panahon ng dating administrasyong Aquino.
Muling uungkatin ang kasong ito upang mas lalong makilala ng sambayanang Filipino ang iba pang sangkot sa PDAF Scam. Hindi kasi kapani-paniwala na tanging sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang nakinabang sa PDAF.
Tanging si Napoles lamang ang susi sa kasong ito. Na siya namang threat sa kanyang buhay ngayon. Kaya bibigyan siya ng seguridad ng administrasyong Duterte.
Maaaring ang pagkakamali noon ay maaaring tama ngayon. Kaya “weather-weather” lang ‘yan.
– Luisito A. Crisostomo Palanan, Makati City. [email protected]>