Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven Peralejo, happy sa gumagandang showbiz career!

MASAYA ang         former PBB Housemate na si Heaven Pe-ralejo sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon. Isa si Heaven sa casts ng pelikulang Bes, May Nanalo Na (Ginali-ngan eh!) na pinamamahalaaan ni Direk Joel Lamangan. Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzales, at Ai-Ai Delas Alas. Ito ay mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng Cineko Productions Incorported.

Kasali rin siya sa Wansapanataym ng ABS CBN na pinagbibidahan ni Julia Montes at parami nang parami ang endorsements na nakukuha ng 17 year old na talent ni Ogie Diaz.

Ayon sa magandang dalagita, masaya siya sa takbo ng kanyang career. “Yes super happy ako na nabibigyan po ako ng projects ngayon kahit supporting masaya na ako. Nagkakaroon ng mga bagong kaibigan at madaming natutunan. Pero hoping ako na one day hindi na ako supporting kaya bago mangyari yun gusto ko ready na talaga ako.

Sa mga endorsements like Apartment 8 Clothing at iba pa, super thankful ako dahil syempre they believed in me and trusted me the name of their brands. So, model and Brand Ambassadress din po ako Pony shoes, Nisce Skin Clinic and also Center for Advanced Dentistry CAD Clinic,” aniya.

Si Heaven ay tinaguriang Mommy’s Angel of Makati sa PBB dahil sa pagiging sobrang close niya sa inang si Shiela Luanne Peralejo-Angeles na may sakit na cancer. Ito ang rason kaya nag-voluntary exit sa PBB si Heaven.

Paano ka na-discover sa showbiz?

Saad niya, “Hindi ko po talaga gustong pumasok ng showbiz, tapos ayun nga nalaman ko po sa mom ko na mayroon po siyang cancer. So parang sabi ko, ‘kailangan kong tumulong.’

“Tapos nalaman po ni lola ko yun at sabi niya na si Tito Ogie nagpapa-acting workshop, nari-nig niya po sa DZMM, so parang sabi niya na i-try ko. Iyon po, nag-workshop po ako and nagustuhan po ako ni Tito Ogie, tapos ay dire-diretso na po yun.

Anong na-feel mo nang sinabihan ka ni Ogie na ikokontrata ka na niya? “Siyempre tuwang tuwa po ako, sino po bang hindi? I mean, yun po talaga yung pinunta ko eh, all this time, sabi ko, one step na ito para matulungan ko na rin si mommy. And  na-realize ko na rin po roon sa workshop, gusto ko po pala yung acting talaga.”

Ano ang role mo sa movie na Bes, May Na-nalo Na?

Sagot ni Heaven, “Anak po ako rito ni Zsa Zsa Padilla, tapos parang kasama ko sina Nikko Natividad at Jon Lucas. Happy ako dahil ang babait ng mga kasama ko po rito sa movie.”

Ayon pa sa 17 year old na si Heaven, bukod sa pagiging aktres ay hilig din niya ang pagkanta. Kaya kung bibigyan ng chance ay iga-grab niya ang oportunidad na ito.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …