Monday , December 23 2024

DENR Sec. Roy Cimatu ‘wag sanang ‘magulangan’ ng climate change

CONGRATULATIONS sa bagong talaga para mamuno sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Secretary Roy Cimatu.

Mula sa isang militanteng makakalikasan, isang military man naman ngayon ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Gustong ipakita ni Pangulong Digong na hindi siya makiling sa isang kampo. Isa sa mga batayan niya sa pagtatalaga ng mga opisyal sa kanyang Gabinete, una, ‘yung sumuporta at naniwala sa kanya noong panahon ng eleksiyon; pangalawa, totoong maglilingkod sa mamamayan; at pangatlo, ‘yung alam niyang magtatrabaho at may maitutulong talaga.

Palagay naman natin ay klaro ‘yan sa lahat.

Kung hindi man nakompirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Madam Gina Lopez sa DENR, ‘yan ay dahil nga sa “lobby money” ayon mismo kay Pangulong Digong.

Sana sa pagkakataong ito, hindi na mabiktima ng “lobby money” si Secretary Cimatu.

Pero mukhang mayroon dapat bantayan si Secretary Cimatu.

‘Yung ‘remnants’ ng PNoy admin na nagtambakan daw diyan sa Climate Change.

Sila umano ay ‘kawan’ ng mga suweldo nang suweldo nang malaki kahit hindi nagtatrabaho.

Buti pa nga raw ‘yung climate nagte-change, pero itong mga ‘linta’ at ‘limatik’ na naiwan ng dating administrasyon, ang tindi ng kapit.

Ayaw mag-change!

Kahit wala silang ginagawa talagang kapit-tuko kasi alam nila hindi madaling magkatrabaho ang mga gaya nilang suweldo lang ang hanap — hindi naman talaga trabaho…

Kaya nga, kayang-kaya nilang tumunganga sa buong maghanap habang inip na inip mag-kinsenas at katapusan.

‘Yan po sila, Secretary Cimatu. Kaiingat kayo sa kanila.

Kung gusto ninyong makilala ang grupo na ‘yan, madali lang silang hanapin — mahilig sa adobo ang lider nila.

Gets ninyo, Secretary Cimatu?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *