Friday , November 22 2024

Direk Louie: Marunong pala akong magdirehe

SA tagal-tagal nang nagdidire ni Luisito “Louie” Lagdameo Ignacio, (MTVs, concerts, TV shows) ngayon pa lang niya napagtanto na marunong pala siyang magdirehe.

Ito ang inamin ng magaling na director nang makausap namin sa thanksgiving presscon ng BG Productions Inc..

“Marunong pala akong magdirehe,” anito. “Hindi naman ako mayabang na tao. Director po ako but sometimes I can’t help but ask if I really know how to direct.”

Ani Direk Louie, ang mga natanggap niyang awards tulad ng Best Director trophy para sa pelikulang Area sa katatapos na ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na isinasagawa sa Kuching, Malaysia (maliban sa Best Director (Global) sa Asintado sa International Film Festival Manhattan ) ang maituturing niyang malaking achievement bilang filmmaker at sumagot sa katanungang, marunong nga ba siyang magdirehe.

Idagdag pa ang Asintado nina Jake Vargas at Aiko Melendez; Laut nina Barbie Forteza at Ana Capri; at Ai Ai delas Alas sa Area na nagsipagwagi rin.

Sinabi pa niya na kakaibang experience rin niyang maituturing ang makatrabaho sina Aiko Melendez at AiAi.

Napagtanto rin ni direk Louie na kailangan niyang ipagpatuloy ang klase ng indie film na ginagawa niya.

Isang challenge kasi para sa kanya ang magdirehe ng indie film na simula nang manalo siya ay mayroon siyang standard na sinusunod para sa sarili. “Kilala ako na nagdidirehe ng MTV, concert, at TV show.  At  gusto kong sumubok ng ibang dimension,” giit pa ng director.

Samantala, maligayang-maligaya si Direk Louie sa pagkapanalo ng Best Director sa AIFFA, at sinabing pangarap niya ang manalo ng award kahit isa. At ngayong nakadalawa na siya, magsisilbi iyong motivation  para lalong pagbutihin pa ang trabaho.

Sa kabilang banda, ipalalabas ang pelikulang Area bilang parte ng FDCP’s Cine Lokal simula May 19-25 sa SM MOA, Bacoor, Cebu, Iloilo, Megamall, Southmall, Fairview, at North Edsa.

AI AI’S OUR MIGHTY YAYA,
CERTIFIED BLOCKBUSTER
SA OPENING DAY

051317 AiAi Roselle Lily monteverde

HINDI nabigo ang Regal Entertainment para maging certified blockbuster ang pelikulang handog nila para sa Mother’s Day celebration, ang Our Mighty Yaya na pinagbibidahan  ni Ai Ai delas Alas.

Pinatunayan din ni Ai Ai na nasa kanya pa rin ang korona kapag ukol sa mga ina ang ginagawa niyang pelikula dahil tumabo ang OMY sa opening day nito noong Miyerkoles na kumita agad ng P6-M.

Balitang tuwang-tuwa si Mother Lily Monteverde sa resulta ng OMY na ikinokonsiderang biggest earner ng Regal Films.

Nagpapasalamat din ang Comedy Queen dahil tinangkilik na naman ang kanyang pelikula.

Ayon nga kay Ai Ai, lagi niyang ipinagdarasal na kumita ang pelikula niya para na rin sa mga taong tinutulungan niya tulad ng kanyang pamilya mga pari, simbahan, at charities na binibigyan niya rin ng tulong.

Sa kabilang banda, masasabi naming talagang nag-evolve na ang acting ni Ai Ai simula nang gawin niya ang pelikulang Area na idinirehe ni Louie Ignacio. Tila naimpluwensiyahan siya ng challenging role na ginampanan niya sa award winning movie niyang ito.

Sa OMY hindi trying hard ang ginawang pagpapatawa ni Ai Ai at hindi ang magpatawa lamang ang kabuuan nito. Isang simpleng kuwento ng isang ina na gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. Kaya naman tiyak na marami ang makare-relate rito. May kurot din ito sa mga puso dahil sa madamdaming eksena.

Sa pagtabo ng Our Mighty Yaya, balitang marami na naman ang nag-uunahan para makuha ang serbisyo ng Comedy Queen.

Kay Ms. Ai Ai at kina Roselle at Mother Lily, congratulations po.

BG PRODUCTIONS,
GAGAWA NA
NG MAINSTREAM
MOVIE

051116  baby go BG Productions

SUNOD-SUNOD na papuri at tagumpay ang natatanggap ng BG Productions Inc., mula sa kanilang mga pelikulang Area, Laut, at Iadya Mo Kami kaya naman inihayag ng CEO nito na gagawa na sila ng mainstream movie.

Sa Thanksgiving presscon, sinabi rin ni Madame Baby Go, CEO ng BG Prod. na nakipag-usap na sila kay Cong. Vilma Santos-Recto para gumawa ng pelikula sa kanila.

Ani Go, umaasa siyang magugustuhan ni Cong. Vilma ang script na ipadadala niya. Iyon ay ang biopic tungkol sa buhay ni Go na gusto niyang gampanan ng Kongresista.

Samantala, personal na iniabot ni Madame Baby ang best actress trophy ni Ai Ai delas Alas na napanalunan sa katatapos na Asean International Film Festival & Awards sa Malaysia para sa pelikulang Area. Nagwagi rin sa pelikulang ito si Louie Ignacio bilang Best Director. Samantalang si Ana Capri naman ay Best Supporting Actress para sa pelikulang Laut.

Samantala, sa 15th Gawad Tanglaw Awards ay nagwagi naman bilang Best Actor si Allen Dizon para sa Iadya Mo Kami gayundin si  si Aiko Melendez bilang Best Supporting Actress. Wagi rin sila kapwa sa 19th Gawad Pasado.

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Vicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *