Friday , November 22 2024

OTBT sa PNP Malabon money-making lang?!

Mukhang dapat talagang bisitahin rin ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga estasyon ng pulisya sa Metro Manila.

Isang reklamo ang ating natanggap sa mga residente sa Panghulo, Malabon.

Nagsagawa umano ng One-Time-Big-Time (OTBT) operation ang mga tauhan ni Malabon chief of police (COP) S/Supt. John Chua sa Barangay Panghulo.

Pinagdadampot ang mga lalaking nakahubad (half-naked), at mga nag-iinuman sa labas.

Ayon sa ilang residente, ang mga nahuling nakahubad, ang pinagmulta umano ng P500, kapag nag-iinuman sa labas ay P1,000 ang multa, at kapag nakahubad at nakikipag-inuman pa sa labas P1,500 ang multa.

Alinsunod raw sa City Ordinance, kung walang pangmulta ay may katumbas na community service.

Pero sa operasyon na ito ng mga bata ni Kernel Chua, walang option na community service, kundi pitsa ‘este multa lang.

Siyempre, mayroon namang mas gusto ang magmulta kaysa ma-detain pa sila.

Ang siste, noong nagbabayad na sila, ayaw mag-isyu ng resibo ng pulisya na sila ay nagmulta dahil sa paglabag sa city ordinance.

Ang tanong, bakit ayaw mag-isyu ng resibo ng mga bata ni Kernel Chua?! Legal ba ‘yang paniningil nila?! O rumaraket lang sila?!

Senior Supt. John Chua, mukhang ‘malasado’ ang OTBT ng mga tauhan mo riyan sa Barangay Panghulo, Malabon City…

Pakirekorida ‘yan chief!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *