HINILING ng mga residenteng Muslim sa Quiapo, Maynila, sa pulisya ang dagdag seguridad lalo na’t magsisimula na ang Ramadam sa 26 Mayo.
Ito ay dahil matin-ding takot pa rin ang nararamdaman ng mga Muslim sa naturang lugar dahil sa magkakasunod na pagsabog na ikinamatay ng dalawang sibilyan.
Nangangamba ang mga Muslim, baka dahil sa takot ay walang mag-enrol na mga estudyante sa Iqra o eskuwelahan na malapit lamang sa pinangyarihan ng pagsa-bog.
Takot din ang nararamdaman ng ilang mga tindero sa lugar kaya nagkakaisa ang mga Kristiyano at Muslim sa panawagan na maresolba agad ang kaso at tiya-king hindi na mauulit ang pagsabog.
Samantala, tiniyak ng Manila Police District, ligtas pa rin ang Quiapo at nasa 300 pulis ang itina-laga sa lugar makaraam ang pagsabog.
Sa ngayon, kabi-kabila ang checkpoint na nakalatag sa mga kalye sa Quiapo, at mga kalapit nitong lugar.
Una nang naglabas ng pahayag ang Amaq, ISIS official media, na umaako sa pagsabog sa lugar.
Mabilis itong pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP), at i-giniit na personal ang motibo nang pagsabog.