Sunday , December 22 2024

Simpatiya kay Gina

ANG pagkabigo ni Gina Lopez na masungkit ang napakahalaga at inaasam niyang kompirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA) na maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay pagkabigo rin ng taong-bayan.

Umani siya ng paghanga nang sa unang pagkakataon ay nakita ng mga mamamayan sa katauhan ni Lopez ang isang opisyal ng DENR na hindi kayang yanigin ng mga sangkot sa negosyong pagmimina.

Hindi siya sunud-sunuran sa mga nagpapatakbo ng naturang industriya at sa halip, ay gumamit ng kamay na bakal sa pagpapasara ng mga kompanya ng minahan na natuklasan niyang nakagawa raw ng mali.

Si Lopez ay may prinsipyo, paninindigan at tapang na magpatupad ng mga pagbabago kahit may masagasaan siya sa paggawa nito. Bukod dito ay may puso siya na tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng ating kalikasan.

Sa social media ay bumuhos ang reaksiyon ng galit na sambayanan. Karamihan ay nagparamdam ng matinding poot sa mga mambabatas na bumoto ng “no” sa kompirmasyon ni Lopez. Nagbanta pa sila na mararamdaman ng mga senador ang kanilang galit sa susunod na halalan.

Kinondena ng environment groups ang desisyon ng CA. Ipinakikita daw nito na patuloy na kinokontrol ng mga makapangyarihang industriya tulad ng pagmimina ang tahanan ng lehislatura sa ating bansa. Ang reporma na ipinangako sa mga Filipino ay wala umanong katotohanan.

Nanawagan ang Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) na ibunyag kung sino ang mga kasali at bumoto laban kay Lopez sa “secret balloting” dahil patuloy umano nilang ipinagkakanulo ang interes ng sambayanan.

Ayon naman sa kinatawan ng Philippine Movement for Climate Change (PMCJ), ang mga miyembro ng CA na nag-reject kay Lopez ay dapat mapanagot dahil sa pagkampi sa mga negosyante na kumikita nang bilyon-bilyong pera sa pagwasak ng ating planeta.

Puna ni Senator Antonio Trillanes, walang ginawa si Duterte para maimpluwensiyahan ang mga miyembro ng CA na nagmula sa Lower House. Susuwayin daw ba nila ang nais ng Pangulo kung batid nilang ibig niyang makompirma si Gina?

Upang makabawi si Duterte ay dapat daw italaga nito na kapalit ni Lopez sa DENR ang isang opisyal na kilalang “anti-mining advocate” rin, kung totoong naniniwala at sumusuporta siya sa mga ipinaglalaban ni Gina.

Pero nakagugulat na ayon sa Pangulo ay ‘nasuhulan’ daw ang CA ng malalaking kompanya ng minahan kaya naibasura ang appointment ni Lopez. Ang pahayag niya na kumilos ang “lobby money” ukol dito ay malaking sampal sa integridad ng mga miyembro ng CA.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr,

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *