P15.2–M gastos sa hotel at seminars ng DILG pinansin ng COA
Jerry Yap
May 9, 2017
Bulabugin
GUMASTOS ng P15.2 milyones ang Department of the Interior and Local Governments (DILG) para sa hotel accomodations sa kanilang mga inilunsad na seminars noong 2016.
Pinuna ito ng Commission on Audit (COA) dahil kung tutuusin, puwede namang P5.53 milyon ang gastos kung gagamitin ang isang training center na dati na nilang ginagamit.
Tinutukoy ng COA, ang training center sa Los Baños, Laguna kaya lumalabas na ‘unnecessary amounts’ ang gastos nila sa kanilang seminars sa mga hotel sa Metro Manila.
Ikinatuwiran ng LGA na hindi nila magamit ang kanilang training center sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) dahil hindi pa umano nare-repair.
Napansin din umano ng COA na trainings ang malaking gastos ng LGA. Mas malaki pa sa “maintenance and other operating expenses ng LGA.
Noong 2016 umabot sa P109.27 milyon ang gastos sa trainings. Mataas ito nang 42 percent sa P76.89 milyong gastos noong 2015.
Mas mainam umano na agad inasikaso ng LGA ang repair sa training center sa UPLB dahil nakakontrata ito sa kanila sa loob ng limang taon (July 2012–July 2017).
Ang training center ay 38,766-square meter facility, na mayroong conference hall na may 200-kataong kapasidad, may limang meeting rooms na may 20-40 kataong kapasidad at case room na may 80-100 kataong kapasidad.
Kompleto rin sa kagamitan gaya ng overhead projectors, video players at television sets. May dormitoryong 150-katao ang puwedeng gumamit at executive rooms para sa 50-kataong kapasidad.
Ibig sabihin napakalaking halaga ang nasasayang sa pondo ng DILG dahil sa trainings/seminars ng mga taga-DILG lalo na ng barangay officials.
Hindi ba’t mayroon pang mga lakbay-aral at iba pang activity na inilulunsad ang DILG?! Kadalasan ay ginagawa ito tuwing malapit na ang eleksiyon.
Sa katunayan, isa ito sa mga aktibidad na inaabangan ng barangay officials dahil kahit paano ay nakapagre-relax sila at natututo pa.
‘Yun lang, mukhang pinupuna ng COA na hindi wasto o hindi praktikal ang paggamit ng LGA sa kanilang training center.
E bakit nga naman limang-taon ang kontrata nila sa training center pero hindi nila ginamit?!
Sayang na sayang ang pondo.
Kung kailan naaprubahan ang repair and maintenance ‘e tapos na rin ang limang-taong kontrata.
Arayku!
Mukhang nakaamoy tayo ng ‘malansang isda’ sa mga transaksiyon na ito?!
KASKASERONG
DRIVER SA BACOOR
CHAOTIC ang buong Bacoor portion ng Aguinaldo Highway, Cavite, mapa-umaga at gabi. Walang gnagawa ang mga motorsiklo doon kundi mag- counterflow at ang tatapang. Hindi takot mag-head-on collision ‘di lng sa mga kotse kundi sa mga truck. Paging Lani n Strike!
+63975553 – – – –
GANYAN BA TALAGA
SA MAYNILA NGAYON?
GOOD morning sir, d2 ba talaga sa Manila kay Mayor Erap, ang patakaran kung pumarada ka sa kalsada ay mayroon agad lumalapit sa iyu para maniket? Bakit sa iba walang ganun sir? Lalo na d2 sa Binondo. Dami naniniket pero ‘yun iba hndi nag-iisyu ng tiket.
+63922471 – – – –
HINDI HINAHAKOT
ANG BASURA
SA BRGY. STO. CRISTO,
CSJDM BULACAN
SIR Jerry, 2 weeks na pong hindi kinukuha ang basura namin d2 sa Brgy. Sto. Cristo SJDM Bulacan. Ayon po sa mga naririnig namin, ipinatigil daw po ni Meyor ang paghakot d2 lang po sa aming barangay. Baka naman matulungan n’yo kami.
+63932861 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap