Kolorum na bus bawal sa swipt
Jerry Yap
May 9, 2017
Bulabugin
Isa sa layunin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa operasyon ng Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) sa HK Sun Plaza sa Macapagal Blvd., ay matanggal o wakasan ang operasyon ng mga kolorum na bus t iba pang kolorum na sasakyan.
Kasabay nito, maging komportable ang commuters na taga-Cavite, Laguna at Batangas.
Mangyayari ito sa pamamagitan ng isang computerized management ng mga bus na lilipat sa SWIPT sa Pasay City
Una na umanong ipinatupad ang Bus Management and Dispatch System (BMDS), sa Quezon City terminals noong 2013. Sa pamamagitan nito mare-regulate din ang bilang ng pasahero sa mga bus na yumayaot sa kalsada.
Rehistrado rito ang mga driver kabilang ang traffic violations na hindi pa nila napagmumultahan.
Bago lumipat sa SWIPT, kailangang mairehistro ang bus at driver sa pamamagitan ng pag-stencil sa chassis at engine number para siguradong valid ang registration ng bus at hindi kolorum.
Ayon mismo ‘yan kay Bong Nebrija, MMDA supervising officer for operations.
Umabot na sa 200 buses ang lumipat mula sa lumang terminal sa Coastal Mall, Parañaque City patungong new terminal sa HK Sun Plaza, Diosdado Macapagal Boulevard sa Pasay City.
Ang SWIPT ay kayang tumanggap nang mahigit 1,000 buses mula Cavite at Batangas.
Aba, malaking tulong ito para tuluyang mabawasan ang mga kolorum na bus at ilegal na terminal.
Napagtanto natin na ang mga illegal terminal ang nagkakanlong sa mga kolorum na bus, UV Express at kolorum na van.
Kaya naman pala, walang tigil ang illegal terminal sa Lawton kasi nga karamihan sa kanila ay kolorum.
Dapat suportahan ng mga legal na bus ang SWIPT nang sa gayon ay tuluyang maihiwalay ang mga kolorum.
Kapag nangyari ‘yan, tiyak tapos ang LIGAYA ng mga nakikinabang sa illegal terminal sa Lawton.
Ano sa palagay ninyo MTPB chief, Dennis Alcoreza?
KASKASERONG
DRIVER SA BACOOR
CHAOTIC ang buong Bacoor portion ng Aguinaldo Highway, Cavite, mapa-umaga at gabi. Walang gnagawa ang mga motorsiklo doon kundi mag- counterflow at ang tatapang. Hindi takot mag-head-on collision ‘di lng sa mga kotse kundi sa mga truck. Paging Lani n Strike!
+63975553 – – – –
GANYAN BA TALAGA
SA MAYNILA NGAYON?
GOOD morning sir, d2 ba talaga sa Manila kay Mayor Erap, ang patakaran kung pumarada ka sa kalsada ay mayroon agad lumalapit sa iyu para maniket? Bakit sa iba walang ganun sir? Lalo na d2 sa Binondo. Dami naniniket pero ‘yun iba hndi nag-iisyu ng tiket.
+63922471 – – – –
HINDI HINAHAKOT
ANG BASURA
SA BRGY. STO. CRISTO,
CSJDM BULACAN
SIR Jerry, 2 weeks na pong hindi kinukuha ang basura namin d2 sa Brgy. Sto. Cristo SJDM Bulacan. Ayon po sa mga naririnig namin, ipinatigil daw po ni Meyor ang paghakot d2 lang po sa aming barangay. Baka naman matulungan n’yo kami.
+63932861 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap