NAGPAHAYAG ng kalungkutan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa naganap na pagsabog sa Quiapo.
“We are very sorry… Nalusutan tayo,” pahayag ni dela Rosa sa press conference makaraan ang PNP flag-raising ceremony kahapon.
Naganap ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila nitong Sabado, ikinamatay ng dalawa katao, kinilala ang isa na si Mohamad Bainga at ang delivery man na naghatid ng package na may lamang bomba.
Ayon sa pulisya, ang puntirya ng bomba ay si Nasser Abinal, ang Shiite Muslim cleric.
Samantala, ipinatawag ni Senador Koko Pimentel ang intelligence officials para ipaliwanag ang pagkabigong pigilan ang mga pagsabog.
Sinabi ni Dela Rosa, “Other intelligence agencies must be given time to explain bakit nangyari.”
Dagdag niya, hindi sila naghahanap ng alibi.
“Sorry, may sumabog. Hindi kami naghahanap ng alibi. I am very sorry about that,” aniya.
Gayonman, sinabi ni Dela Rosa, kung nalulusutan ang Central Intelligence Agency na may malaking intelligence fund, ganito rin sa Filipinas.
“Kung CIA, malaki ang intelligence fund, nakatutok sa lahat ng bagay, tinamaan pa rin sa Amerika, dito pa sa Filipinas,” aniya.