MATAGAL-TAGAL na panahon na rin palang hiwalay ang aktres na ito at ang pinakasalan niyang guy na mula sa angkan ng mga singer.
Like in any espousal separation, may third party ding sangkot sa kanilang pagsasama. ‘Yun nga lang, hindi babae sa parte ng lalaki kundi kapwa boylet din!
Yes, naloka na lang ang aktres nang matuklasan at mahuli ang kanyang mister to be carrying on a bromance. Tsika ng aming source, ”Siyempre, isang napakalaki nga namang insult ‘yon sa pagkababae ng aktres. Okey lang sana kung ang karibal niya, eh, girlalu rin pero ang maging kaagaw niya, eh, lalaki, aba, ibang usapan na ‘yon, ‘no!”
Hindi na nagdalawang-isip ang aktres na iempake ang kanyang mga gamit mula sa tinitirhan nila ng vaklush palang dyowa outside Metro Manila.
Sa ngayon ay nakatagpo na ng bagong pag-ibig ang petite pero mukhang banyagang aktres na itago na lang natin sa alyas na Maribel Tanada.
(Ronnie Carrasco)