Monday , December 23 2024

Robi at Gretchen posibleng magkabalikan (Dahil madalas pa rin magkita)

PAREHONG mahusay na event host ang ex-sweethearts na sina Robi Domingo at Gretchen Ho at madalas magkita ang dalawa lalo’t paborito silang kunin sa mga corporate show. Tuwing nagkikita sila at binibiro pa rin ng tao sa naudlot nilang forever ay game raw ang dalawa.

Naku, mukhang may possibility pang magkabalikan ang dalawa at kita naman sa mukha ni Gretchen na may pagmamahal pa sa kanyang ex-boyfriend. Tapos itinanggi ni Sandara Park sa presscon ng Korean movie na wala siyang relasyon ka Robi at friends lang sila ng binata.

Wait lang natin at baka in the future ay magkaroon talaga ng reconciliation sa beautiful partners.

FPJ’S ANG PROBINSYANO
NI COCO MARTIN AT TV PATROL
MOST WATCHED NEWS
& ENTERTAINMENT PROGRAMS

Nanguna ang ABS-CBN sa larang ng pagbabalita at paghahatid ng saya at aliw sa mga manonood matapos manguna ng “TV Patrol” at “FPJ’s Ang Probinsyano” sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa nitong Abril.

Base sa datos ng Kantar Media, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa top ten na pinakapinanood na programa noong nakaraang buwan. Nakakuha rin ang Kapamilya network ng average audience share na 43% mula sa urban at rural homes, kompara sa GMA na mayroong 34%.

Buong buwan pa ring namayagpag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos makapagtala ng average national TV rating na 37.7%. Patuloy na sinusubaybayan ang kuwento ni Cardo (Coco Martin) hindi lang dahil sa aksiyong dala nito tuwing gabi, kung hindi pati na rin sa aral na ibinabahagi sa mga manonood. Ang “TV Patrol” ang pangunahing source ng balita ng mga manonood na nagkamit ng average national TV rating na 29.1%, kompara sa katapat nitong “24 Oras” na nakakuha ng 18.6%.

Gabi-gabing pa ring tinututukan ng mas maraming manonood ang mga impormasyong hatid ng “TV Patrol” na patuloy na naghahatid serbisyo sa sambayanang Filipino sa pangunguna nina Noli De Castro, Ted Failon, at Bernadette Sembrano.

Kasama rin sa listahan ang “The Voice Teens” na nagrehistro ng 35.5% sa pagbabalik nito upang ibida ang boses ng kabataang Pinoy. Hindi pinalampas ang mga nakatutuwang talento ng Kapamilya child stars sa pagpe-perform at panggagaya ng mga sikat na artists sa “Your Face Sounds Familiar Kids” na nakapagtala ng 34.5%, at ang mga kuwentong kinapupulutan ng aral sa “Wansapanataym” na nakakuha ng 32.6%.

Kinaantigan ang mga tunay na karanasan ng letter senders sa “MMK” (31.8%) na nagbibigay inspirasyon sa mga manonood. Tinangkilik sa larangan ng current affairs ang “Rated K” na nakakuha ng average national TV rating na 20.5%. Pasok sa top 10 ang mga pampamilyang kuwento ng “My Dear Heart” (26.5%) at “Home Sweetie Home” (23.3%). Patuloy na tinu- tutukan ng mga manonood si Heart (Heart Ramos) sa paglaban sa kanyang sakit at sa pagtulong kay Dra. Margaret (Coney Reyes) na baguhin ang puso nito. Sabay dito ang pagsubaybay ng mga manonood sa samahan ng mag-asawang sina Romeo (John Lloyd Cruz) at Julie (Toni Gonzaga) na nagsisilbing magandang halimbawa sa pamilyang Filipino.

Samantala, sinubaybayan din ang pag-uumpisa ng kuwento ng pag-abot ng pangarap, pag-ibig, at pagkakaibigan sa “Pusong Ligaw,” matapos makapagtala ng average national TV rating na 17.9%. Makabagbag damdamin ang naging pagtatapos ng afternoon series na “The Greatest Love,” na nagpakita ng wagas na pagmamahal ng ina para sa anak at nagkamit ng 14.4%.

Namayagpag sa buong bansa ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular sa primetime (6pm– 12mn), na nakapagtala ng average audience share na 49%, at tinalo ang 33% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Filipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Sinubaybayan din ang ABS-CBN sa morning block (6am-12nn) sa pagtala nito ng average audience share na 34% kompara sa GMA na 33%, sa noontime block (12mm-3pm) at sa afternoon block (3pm-6opm) sa pagkakamit ng 43% laban sa 35% ng GMA.

Samantala, ang ABS- CBN din ang naghari sa iba pang lugar sa bansa. Sa Total Balance Luzon, nagtala ang Kapamilya network ng average national audience share na 44% kompara sa GMA na may 36%; sa Total Luzon sa pagrehistro ng 39% kompara sa GMA na may 36%; sa Total Visayas na may 51% kompara sa 28% ng GMA; at Total Mindanao na may 52% laban sa 29% ng GMA.

NO.1 SHOW NI COCO SA ABS-CBN-2
NA FPJ’S ANG PROBINSYANO NAPAPANOOD
NA RIN SA BANSANG VIETNAM

Nasa Vietnam na rin pala ang no.1 action-drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Base sa post video ni Phim MAT MA SONG SINH, na nakita namin sa posted video ng manager at nanay-nanayan ni Martin na si Mother Bibs (Biboy Arboleda), hit sa Vietnam ang serye ni Coco na isinalin sa salitang Vietnam kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng Hari ng Telebisyon (Coco) sa malaking achievement na ito sa kanyang career.

“Magandang araw po, ako po si Coco Martin nabalitaan ko na nakarating na po riyan sa Vietnam ang FPJ’s Ang Probinsyano. Sana po ay mapaligaya namin kayo, at maging parte ho, kami ng araw-araw ninyong buhay, (Cam On Ban (Thank You) at Anh Yeu Em (I Love You),” pahabol ng sikat na Kapamilya actor sa lahat ng mga supporter sa nabanggit na bansa sa Asya.

Samantala pagkatapos ng very successful na series of shows ni Coco kasama ang Funtastic 4 na sina Pokwang, K Brosas, Chokoleit at Pooh sa iba’t ibang parte ng Amerika, ang Argentina Inter Purok Contest naman ang pinagkakaabalahan ng Idol ng Masa kasama sina Onyok at Pooh.

Kagagaling lang nila mula Catbalogan, Samar and as expected pinagkaguluhan si Coco ng kanyang fans, sa lugar. At nag-enjoy ang lahat sa show na handog ng kanilang idol na endorser ng corned beef brand.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *