Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauleen, buntis na!

PAGKARAAN ng isang taon, mula nang ikasal noong Enero 30, 2016, masayang inanunsiyo ni Vic Sotto ang pagbubuntis ng kanyang asawang si Pauleen Luna.

Sa pagsisimula ng show nilang Eat Bulaga!, sinabi ni Vic na, “Pilipinas at buong mundo, buntis ako (hiyawan ang tao at sabay himas ni Pauleen sa tiyan ni bossing Vic).”

“Hindi po ako,” pagpapatuloy nito. ”Ang aking asawa po ang buntis (sabay turo kay Pauleen at hiyawan ng audience).

“Ang amin pong hiling ay dasal para sa aming magiging, sa matagumpay ng aming… Again, Lord Jesus thank you very much.”

Noong Sabado, ipinagdiwang ni Bossing Vic ang kanyang kaarawan na dinaluhan ng kanyang mga anak. Kaya naman isang magandang regalo ang pagbubuntis ni Pauleen sa kaarawan ni Vic.

Hindi pa inaanunsiyo kung ilang araw, linggo o buwan ang ipinagbubuntis ni Poleng.

Marami naman ang nagpadala ng kanilang pagbati sa magandang blessings na dumating kina Poleng at Bossing Vic.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …