Saturday , November 16 2024

Paglahok ni De lima sa Senate hearings haharangin ng DoJ

HAHARANGIN ng Department of Justice (DoJ) ang ano mang hakbang para pahintulutan ang detinidong si Sen. Leila de Lima sa paglahok sa mga pagdinig kaugnay sa death penalty bill.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang pagtutol ng DoJ ay dahil sa katotohanang si De Lima ay nakakulong.

“When one is incarcerated, some of your rights and privileges are suspended, your right to participate is among them, like what happened to Senators Enrile, Jinggoy Estrada, and Bong Revilla,” giit ni Aguirre.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni De Lima, nais niyang lumahok sa mga deliberasyon sa ilang mahalagang mga panukala at iba pang official functions sa Senado, habang siya ay nakapiit.

Aniya, “I have refused to allow political persecution and harassment I suffer under the hands of the present administration to prevent me from fulfilling my electoral mandate.”

Sinabi ni Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nila sa korte na pahintulutan si De Lima na makadalo sa mga ses-yon at committee hearings kaugnay sa mahalagang legislative agenda.

“We decided that in critical matters like ‘pag dumating ang death penalty bill sa Senado, hilingin namin na mapagbigyan si Senador De Lima,” ani Drilon, makaraan dalawin si De Lima sa piitan sa PNPCustodial Center.

“Because she is a duly elected senator and therefore she has every right to participate in the proceedings in the Senate,” dagdag ni Drilon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *