Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Birthday ni sikat na director, kinalimutan ng mga natulungang artista

NALUNGKOT ang isang sikat na aktres para sa anak ng isang namayapang direktor nang magdiwang ito ng kanyang ikasampung kaarawan kamakailan.

Ikinagulat kasi ng aktres na hindi tulad ng mga nakaraang taon na buhay pa si direk ay nag-uumapaw ang mga bisita sa tahanan nito. In full force kasi ang mga kaibigan nitong artista most especially ang mga natulungan niyang magkaroon ng partisipasyon sa kanyang mga pelikula.

Sey ng aktres, “Ako lang ang naroon sa birthday celebration ng bagets. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kung dati-rati nga naman, eh, blockbuster ang party niya tulad ng movies ng daddy niya sa takilya, waley pati ang mga ninong at ninang niya!”

Hindi maiaalis sa aktres na mapagtanto ang isang nakalulungkot na katotohanan sa showbiz. Kadalasan ay “gamitan” lang ang ipinaiiral ng karamihan sa mga artista na hangga’t may pakinabang sa mga kasama nila’y naroon, pero kapag wala na silang mapakikinabangan ay naglalaho silang parang bula.

Da who ang nasirang direktor na tiyak na ikinadurog din ng kanyang puso ang ‘di pagsipot ng mga taong natulungan niya noong siya’y nabubuhay pa? Itago na lang natin siya sa alyas na Darwin Lagrimas.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …