REFILED pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalarga ang priority bills na sinertipikahan ng Palasyo gaya ng freedom of information, panukala para tuluyang magwakas ang political dynasties, at karagdagang pension sa mga miyembro ng SSS, itinuturing na magiging landmark at legacy ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
“Tamad kasi at batugan ang liderato nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, at ginagaya ang estilong ‘astig’ ni Pangulo,” ‘yan ang puna ng isang political observer,
“Kaya kahit magka-alyado ang Executive at Legislative branch, barado ang mga isinusulong na batas, lalo na itong mga refiled,” diin ng political observer.
Aniya ang anti-poli-tical dynasty bill ay paulit-ulit na inihahahin sa Kongreso sa loob ng 30 taon pero paulit-ulit na nabibigo dahil 74% ng mga kinatawan ay mula sa pamilya ng mga politiko.
Noong nakaraang 16th Congress inihain ito sa Mataas at Mababang Kapulungan pero natapos ang termino na hindi ito naipasa.
Sa kasalukuyan inihain ito ni Quezon City 4th District Representative Feliciano Belmonte Jr., sa ilalim ng House Bill (HB) Number 166 o Anti-Political Dynasty Act.
Sa batas na ito, sina-sabing namamayani ang political dynasty kung tatlo o higit pa sa magkakapamilya ang nakapuwesto nang sabay o magkasunod sa national at local post.
Ginagarantiyahan umano ng nasabing batas ang pag-iral ng kataru-ngang panlipunan na ang ibig sabihin ay pantay ang oportunidad kabilang na ang pagsisilbi sa mamamayan.
Matatatandaan na maging ang Malacañang ay nainip sa baradong pagkilos ng Kamara kaya ang freedom of information bill at SSS pension hike ay isinailalim sa Exe-cutive Order.
Kung tutuusin, po-werhouse nang maitutu-ring ang tandem nina Alvarez at Fariñas, bilang mga miyembro ng PDP Laban na pinamumunuan ng Pangulo, ngunit nakadedesmaya umano na mukhang tinutulugan ng dalawa ang kanilang tungkulin sa administras-yon ni Duterte sa partikular, at sa bayan sa ka-buuan.
Bukod sa tatlong panukalang batas, naka-binbin pa rin sa Kamara ang anti-discrimination vs the LGBT community, absolute divorce, national ID system, salary standardization law, abolishing labor contractualization, income tax reform, amyenda sa Anti-Money Laundering Law, legali-sasyon ng marijuana at amyenda sa political party system ng bansa.