Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AI AI, nananatiling reyna ng komedya, may magic na dala sa pagiging ina!

PATULOY pa rin ang pamamayagpag ni Ai Ai de las Alas bilang pangunahing Reyna ng Komedya ng showbiz. Higit siyang minamahal ng publiko kapag isang mapagkailanga at mapagmahal na ina ng kanyang role sa pelikula.

May magic kasing dala ang performance ng Comedy Queen sa mother roles tulad nang ipinamalas niya sa movie franchise na Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Dama ang kurot sa puso at sinseridad sa kanyang emosyon.

Kaya naman sa pinakamalaki at pinakamasaya niyang obra na Our Mighty Yaya, pumapel man siya bilang pangalawang nanay bilang si Yaya Virgie, tadtad ng mga eksenang hindi lang magpapalutang sa kanya bilang Reyna ng Katatawan kundi maging ang pagiging Best Comedy Actress. Hindi mabibigo ang mga manonood sa kabuuan ng movie.

Sa personal na buhay ni Ai Ai, nanay, yaya, kapatid all rolled into one ang role niya. Open book na ang hirap niya upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak na sina Sancho, Nicolo at Sophia. Mag-isa niyang iginapang ang pagbuhay sa tatlo na kaya naman walang dudang isa siyang ulirang ina.

Kasama niya sa bahay ang panganay na si Sancho na pinagbukas niya ng negosyo. Sina Nicolo at Sophia ay nasa Amerika ngayon at kapwa nag-aaral. Malayo man sa kanya ang dalawa, lumaking responsable naman sila na natututong tumayo kahit wala siya sa tabi.

“Mother and yaya ang role ko pag nasa Amerika ako. Laba, linis, plantsa at luto ang ginagawa ko para sa kanila.  Natutuwa sila kapag nandoon ako dahil nakakatikim sila ng mainit na luto ko. Masaya ako sa ginagawa kong ‘yon para sa aking mga anak. Malayo man sila, kampante ako na hindi sila maliligaw ng landas,” pahayag ni Ai Ai.

Sakto sa Mother’s Day ang Our Mighty Yaya na sa Mayo 10 na mapapanood. Ang okasyong ito ang isa sa favorite playdates ng Regal Entertainment. Subok na ang magandang track record ng Regal tuwing Mother’s Day sa mga pelikulang nagawa nito.

Ina, yaya, stepmother man sa sentro ng kuwento, alam ng mag-inang Lilyat Roselle Monteverde ang pulso ng manonood na magugustuhan nila. Nang mapanood ni Mother Lily ang movie, impressed na impressed siya sa pagkakagawa ng movie at galing ni Ai Ai!

Humandang humalakhak, sumaya, at lumuha sa adventures at misadventures ni Yaya Virgie sa muling pagpapamalas ng galing ng Comedy Queen sa Our Mighty Yaya mula sa direksiyon ng premyadong si Joe Javier Reyes.

Tampok din sa movie sina Megan Young, Miss World 2013, Zoren Legaspi, Sofia Andres, Lukas Magallano, Alyson McBride at iba pa.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …