IPAMAMAHAGI na ang paunang bayad ng kom-pensasyon sa mga biktima ng martial law, sa Lunes, ayon sa Human Rights Violation Claims Board (HRVCB)
Simula sa Lunes, 300 mula sa unang 4,000 claimants ang makatatanggap ng kalahati ng kanilang kompensasyon, na naaayon sa batas.
Ang claimants ay makatatanggap ng mo-netary reparation at may claims na may pinal nang desisyon.
“Meaning, that the claimant opted not to appeal, hindi na siya nag-appeal, and we did not receive any opposition to the claim,” ani Lina Sarmiento, chairperson ng HRVCB.
Ipamamahagi ang kompensasyon at cash card sa tanggapan ng HRVCB sa UP Diliman, Quezon City.
Simula Mayo 12, maaari itong makuha sa pinakamalapit na LandBank branch.
Ang halaga ng kom-pensasyon kada claimant ay base sa puntos mula 1 hanggang 10 na may katumbas na human rights violation, ayon sa Republic Act No. 10368 o Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.
Sa ngayon, kada puntos ay may katumbas na halos P25,000. Ito ay batay sa nailaan na budget na P9.76 bilyon.
Ang mga biktimang namatay o nawawala ay katumbas ng sampung puntos, habang ang mga biktima ng torture o rape ay 6 hanggang 9 puntos.
Ang mga na-detain ay 3 hanggang 5 puntos, at iyong mga nalabag ang mga karapatang nakasaad sa Sek. 3, Par. 4, 5, at 6 ng RA 10368, ay 1 hanggang 2 puntos.
Sa pagkuha ng kom-pensasyon, kailangang dalhin ng claimant ang kanilang acknowledgment receipt, isang go-vernment ID, at isang 1×1 ID picture.
Ayon sa HRVCB, malapit nang ianunsiyo ang susunod na batch ng claimants na naiproseso na at iyong may pinal nang desisyon.
May 75,730 biktima ng martial law ang humi-ngi ng kabayaran sa gobyerno dahil sa naranasang pang-aabuso noong diktadura ng rehimeng Marcos. Dumaan ang bawat aplikante sa masu-sing proseso ng HRVCB.
“Money is not enough to bring back lost lives, lost dreams, lost hopes. This is just symbolic, to honor the heroism and sacrifices of the Filipinos who suffered during Martial Law,” ani Sarmiento.