Monday , December 23 2024

Daniel Padilla boses palaka ba, para okrayin ng laos na si Richard Reynoso?

HINDI close ang inyong columnist kay Daniel Padilla at sa ina nitong si Karla Estrada. Pero para sa amin ay pasable ang boses ni Daniel at narinig na namin kumakanta nang live sa recording o kanyang album at okey naman ang boses ng bagong Box Office King.

Hindi man siya ballader o biritero ay pang millenial ang boses ni DJ na bagay sa kanyang pagiging bagets. At ‘yung pagharana niya sa mga kandidata sa Binibining  Pilipinas na inokray-okray ni Richard Reynoso na ‘the who’ sa young audience ay parang hindi naman yata tama na punahin si Daniel na parang ang gustong palabasin ni Richard ay wala sa tono at boses palaka ang anak ni Karla.

Oo na, magaling kang singer Richard pero parang gusto mo lang naman yatang magpapansin kaya pinagdidiskitahan mo ang singing voice ni DJ.

Naku, sana huwag mag-react dito, ang tiyuhin ng young singer-actor na si Robin Padilla at baka may umbagan na mangyari?

Hashtag #RichardReynosoGumigimikParaSaCareer

PAMILYA NI ZANJOE AT BELA
PATULOY ANG PAGPAPAMALAS
NG KATATAGAN SA PAGLUBHA
NI HEART SA “MY DEAR HEART”

Patuloy ang pagkakaisa at katatagan ng pamilya nina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) ngayong muling nasa peligro ang buhay ni Heart (Heart Ramos) dahil sa mga Camilus sa ABS-CBN primetime series na “My Dear Heart.”

Ngayon ngang nabawi na ni Francis (Eric Quizon) si Heart at ang tiwala ng pamilya De Jesus, gagamitin niya ang pagkakataong ito upang pabagsakin at siraan si Margaret (Coney Reyes) sa patuloy na paglubha ng sakit ng bata. Sa kabila naman nito, hindi mawawalan ng pag-asa sina Jude at Clara na gagaling mula sa karamdaman ang kanilang anak at sama-samang ipapadama ang kanilang pagmamahal upang mapabuti ang kalagayan ni Heart.

Tuloy-tuloy na nga kayang lumubha ang sakit ni Heart? Magtagumpay naman kaya ang mga Camilus sa kanilang mga plano? Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang “My Dear Heart,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Julia, makahahanap na
ng lalaking magliligtas sa kanya…
 “WANSAPANATAYM” PUNO
NG ARAL NA NAG-IWAN NG MARKA       
SA PUSO KABATAAN

Sa halos dalawang dekadang pag-ere ng “Wansapanataym” sa telebisyon, marami na itong mga aral na naibahagi na tumatak sa puso ng manonood sa mga nagdaang taon.

Saksi rito ang business unit head ng palabas na si Rondel Lindayag, na nagkaroon ng pagkakataong makilala at makausap ang ilan sa mga tagahanga ng palabas.

“Kapag pumupunta kaming award ceremonies, maraming estudyanteng lumalapit sa akin at nagbabahagi ng mga alaala nila tungkol sa ‘Wansa.’ Napansin ko na laging mayroong isang episode na nagmarka at hindi nila malimutan,” sabi ni Rondel.

Sa kabila ng pagbabago ng panahon at teknolohiya, nananatili ang pagsuporta ng mga manonood dahil patuloy pa ring pinagmumulan ng aral at inspirasyon ang “Wansapanataym,” ayon kay Rondel.

“Sumasabay kami sa pagbabago ng teknolohiya, pero pareho pa rin ang kuwento at kung paano ang pagkukuwento namin. Iyon pa rin ang mga aral na ibinabahagi ng Wansa, pero sumasabay lang sa uso.

Ngayon hit ang love teams dahil siguro naiintindihan ng manonood iyong higpit ng magulang, pati na rin ang pakiramdam ng unang pag-ibig,” pagbabahagi ni Rondel.

Love team din nina Judy Ann Santos at Rico Yan ang bumida sa pinakaunang episode ng “Wansapanatym” noong 1997 na pinamagatang “Mahiwagang Palasyo.”

Ipinakita nitong hindi hadlang ang pagkakaiba para sa mga taong nagmamahalan. Tumatak ang episodes na “Kapirasong Langit” na nagbigay-aral tungkol sa pag-ibig at pagtanggap ng kamalian, “Bessy Basura” na tumalakay sa tamang pagtatapon ng basura, at “Mahiwagang Paruparo” na nagpakita ng wagas na pagmamahal ng magulang para sa anak.

Samantala, patuloy ang mahika at mga kuwentong puno ng aral sa kuwentong hatid ng “Wansapanataym Presents: Annika Pintasera,” na pinagbibidahan ni Julia Montes.

Ibinabahagi nito ang kuwento ni Annika (Julia Montes), isang dalaga na mahilig mamintas at isinumpang mapunta sa loob ng isang painting na maliligtas lamang ng halik ng tunay na pag-ibig.

At ngayong Linggo (May 7), unti-unti nang nauubos ang oras ni Annika upang makatakas mula sa sumpa.

Ngunit susubukan niya pa ring lumaban dahil makahahanap siya ng lalaking dalisay ang puso na tingin niyang makapagpapalaya sa kanya mula sa loob ng mahiwagang painting.

Ito na nga ang ba ang oras ng paglaya ni Annika mula sa painting? Ano naman kaya ang mararamdaman ni Jerome (JC Santos) sa bagong lalaking makikilala ni Annika?

Panoorin ang mga kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon sa “Wansapanataym Presents: Annika Pintasera,” tuwing Linggo pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *