Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charice at Alyssa, naghiwalay dahil sa ipinagagawang bahay?

INALMAHAN ni Mommy Raquel ang napabalitang kalunos-lunos na sinapit ngayon ng kanyang anak na si Charice Pempengco. Hindi niya kasi matanggap ang bansag ngayon sa international star na “laos, purdoy at nakikitira na lang sa kanyang tagahanga.”

Pero hindi ang paglalarawan na ‘yon sa kanyang anak na hiwalay na kay Alyssa Quijano ang mas interesado ang publiko.

May “sidebar” kasi kaming nasagap tungkol sa pangunahing sanhi ng paghihiwalay ng dalawa, pero idadaan na lang namin ‘yon sa patanong na pamamaraan bilang respeto na rin sa estado ni Charice na nagbigay naman ng karangalan sa ating bansa.

Totoo nga bang ang pinag-ugatan ng breakup nila ni Alyssa ay ang bahay na kanilang ipinagagawa?

Umano, inatasan ni Charice na pamahalaan ni Alyssa ang pagpapagawa nito, as in oversee every phase of the construction.

Pero isang araw nga ba’t nagtanong na si Charice kung bakit palaki na nang palaki ang gastos sa pagpapagawa ng bahay, bagay na hindi nagustuhan ni Alyssa? Totoo nga bang ang dating niyon kay Alyssa ay parang pinagdududahan siya ni Charice kung saan napupunta ang perang pampagawa to the point na nadamay pati ang partido ni Alyssa?

Pero to begin with, sa puntong ‘yon ay hindi maiaalis na magdamdam kahit paano si Mommy Raquel at lola Tessie niya. Bakit nga naman isang hindi naman nila kadugo (at karelasyon lang) ang tumitimon sa bahay kung ang mas malaking bahagi ng ginagastos doon ay mula sa bulsa ni Charice?

Samantala, gaano rin katotoo na hindi porke hiwalay na si Charice sa kanyang nobya ay walang balak ang mang-aawit na umuwi sa kanyang pamilya?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …