Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian at Joseph, sa hitsura lang mukhang bata; Jodi, naka-relate sa dalawa

NILINAW ni Jodi Sta. Maria na hindi niya maikokonsiderang mga bata pa nga sina Xian Lim at Joseph Marco.

Aniya, ”Sa age yes, mas bata sila sa akin. Pero ‘yung level of maturity nila ay hindi.” Kaya naman hindi dapat pagtakhan kung paano naka-relate ang aktres sa dalawang bago niyang leading man sa bagong handog ng Star Cinema, ang Dear Other Self na idinirehe ni Veronica Velasco at mapapanood na sa Mayo 17.

Ang Dear Other Self ay nakasentro kay Becky (Jodi) na nahahati sa isang buhay na hitik sa responsibilidad at sa buhay na puno ng kasiyahan at pakikipagsapalaran. Ang hindi alam ni Bekcy ay posibleng maiba ang tahakin ng kanyang buhay depende kung paano niya tutugunan ang ilang hindi magagandang pangyayari sa kanyang buhay sa loob ng isang araw.

Maikokonsiderang big comeback para kay Jodi ang Dear Other Self dahil ang The Achy Breaky Hearts, na huling pelikulang ginawa niya ay ipinalabas sa mga sinehan halos isang taon na ang nakalilipas.

Isang very relatable at light hearted na material ang Dear Other Self na maglalabs sa husay sa pagganap nina Jodi, Xian, at Joseph. Isa kasi itong pelikulang tungkol sa mga desisyon sa buhay ng isang batang babae at ang kanyang makulay na paglalakbay sa kanyang paghahanap ng tunay at pangmatagalang kaligayahan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …