Barangay & SK gusto naman gawing 5-year term (Habang paatras nang paatras ang eleksiyon)
Jerry Yap
May 6, 2017
Bulabugin
NGANGA na naman ang sambayanan kung kailan ba talaga ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Lalo na’t isang mambabatas mula sa Bulacan — Rep. Jose Antonio “Jonat” Sy-Alvarado — ang naghain ng House Bill No. 5510 na naglalayon na muling ikansela ang Barangay at SK elections sa darating na Oktubre at ganapin na lang ito sa Mayo 2018.
Wattafak!?
Iminungkahi rin sa House bill na gawin limang-taon ang termino ng barangay officials upang maging lubos ang paglilingkod nila sa bayan.
Naku parang nakikini-kinita natin na naglulundagan sa tuwa ang mga ‘negosyanteng’ opisyal ng barangay kapag naaprubahan ang nasabing Bill dahil extended na naman ang kanilang panunungkulan.
Lalo na ‘yung mga barangay official na may itinatagong kung ano — at parang ‘inaano’ lang ang trato sa kanilang constituents.
Mantakin ninyo, sa Maynila lang may barangay official na kung ilang dekada na e ayaw pang bumitaw sa puwesto dahil sa milyones na kobransa sa illegal terminal?!
Walang katapusan ang LIGAYA lalo ng mga barangay official na may sinasalok na malaking ganansiya mula sa mga ilegal na gawain sa nasasakop nilang barangay.
Best eksampol diyan ag isang maligayang buruka sa may Ilog Pasig!
Kung talagang kapakanan ng constituents ang layunin ng mga panukalang batas patungkol sa barangay at SK elections, aba ang unang busisiin nila kung dapat pa bang umiral ang isang barangay lalo na kung wala namang legitimate na constituents.
Dapat din nilang alamin kung ‘yung nanunungkulan na barangay officials ay doon pa nakatira sa area of jurisdiction nila o baka naman lumipat na sa mga posh condominiums or posh subdivisions dahil nagkamal nang husto sa operasyon ng mga ilegalista o mismong protektor o operator ng mga ilegal na gawain sa kanilang barangay.
Wattafak!
Napakaligayang tunay niyan!
Sabi nga ng isang balat-sibuyas na barangay official, kahit tawagin pa nila ang lahat ng santo(s) hindi matitinag ang illegal terminal malapit sa Ilog Pasig na nagbibigay ng ligaya sa kanilang mga bulsa.
Sa palagay ba ninyo, Congressman Jonat, magiging pabor sa constituents ng ganyang barangay official ang panukalang batas ninyo?!
Arayku!
SUGAL AT DROGA
SA DAGUPAN EXT. TONDO!
SIR Jerry, reklamo ko lang ho rito sa aming lugar ang mga parokyanong manlalaro ng sugal na bookies at VK na maiingay na mga adik na magdamag naglalaro ng VK sa mga eskinita. Halos lahat ng eskinita na tagusan sa riles dito ay mayroon latag ng bookies at makina ng VK sir Jerry. Kahit epektibo ang Tokhang ng mga pulis Maynila ay may nakalulusot pa rin na mga user dahil sa hindi malamang dahilan kung bakit may hndi pa rin nahuhuling pusher ng droga lalo sa bandang riles. Bantayan ang mga gusgusing tambay pero sila raw ang mga runner at sistemador na may kinalaman sa bentahan ng droga sa Yuseco at dito sa amin sa Dagupan Ext., Tondo.
+63906407 – – – –
SANA LAGING
MAY ASEAN
ANG lawak ng inilinis ng Maynila dahil sa ASEAN, nawala ang mga natu2log sa lansangan at nagtitinda ng kung ano2ng abubot na smuggled from China. Sana palagi ganito kahit pgkatapos ng international conference dahil ‘di naman balatkayo c Digong.
– FERDINAND VENTAYEN. +63975553 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap