Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagku-quit ni Charice sa showbiz, OA

NAO-OA-N naman kami sa planong pagku-quit ni Charice Pempengco sa showbiz just because hiwalay na sila ng kanyang live-in partner of four years na si Alyssa Quijano.

Paano na ang pangalang pinaghirapang buuin ni Charice sa international singing scene? Mababalewala na lang ba ito ng ganoon na lang?

Bagamat wala na sigurong pinakamasaya ngayon kundi ang Lola Tess(Relucio) niya sa paghihiwalay nila ni Alyssa, hindi rin naman tiyak na ikatutuwa ng matanda na nang dahil lang doon ay tatalikuran na ng kanyang apo ang pag-awit.

Mas mag-aalboroto pa nga ito kay Charice na sinayang lang ang kanyang talent nang dahil sa nasirang relasyon.

Charice should know better. Fine, magmukmok siya sandali after the breakup. If need be, umiyak siya ng balde-baldeng luha.

Pero sa edad niyang hindi na naman bata, a high sense of maturity is expected of her. Ngayon lang masakit ang kanilang paghihiwalay pero pasasaan ba’t makaka-move on din siya, and before she knows it ay baka pagtawanan lang niya ang kanyang kaluka-lukahan.

While Charice badly needs support system tulad ng kanyang pamilya’t mga kaibigan, walang ibang makatutulong sa kanya kundi ang kanyang sarili mismo.

Ano nga ‘yung madalas ipayo sa mga babaeng sugatan ang puso? ”Lalaki lang ‘yan…maraming lalaki sa mundo!”

Puwes, Charice, babae lang din ‘yan!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …