Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
boobs

‘Massage therapist’ nangmolestiya ng buntis

INARESTO ang isang lalaking masahista makaraan molestiyahin ang isang buntis habang minamasahe sa isang spa sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi.

Salaysay ng 28-anyos biktimang itinago sa alyas na Toni, Lunes nang siya ay magpamasahe sa 19-anyos na si Arwin John Martinez.

Nagpresenta aniya si Martinez na magmasahe ngunit kanyang napansin na kakaiba ang naging pagmamasahe sa kanya ng suspek.

Ani Toni, nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib ngunit gusto itong alisin ni Martinez. Aniya, “Parang may kasamang puwersa na po.”

Hindi agad nakapagreklamo si Toni sa spa kaya lumapit siya sa mga opisyal ng barangay nang sumunod na araw, at agad inanyayahan si Martinez doon kinagabihan at saka inaresto.

Sa barangay hall na nagkaharap ang dalawa.

Inamin ng suspek na hindi ito ang unang beses na nanghipo siya ng kliyente ngunit idiniing nagsisisi siya sa kanyang ginawa.

Napag-alaman, walang lisensiya si Martinez para maging therapist.

Haharapin ni Martinez ang mga kasong acts of lasciviousness at attempted rape.

Samantala, sisilipin ng barangay kung may mga pagkukulang sa permit ang spa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …