Friday , November 22 2024

Bigo si Gina Lopez, bigo ang bayang umaasa

Tuluyang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon ni Madam Gina Lopez.

Ayon kay Senator Manny Pacquiao, Chairman ng CA, malungkot siya sa naging resulta ng deliberasyon — 15-9, ang lumabas na boto. Ang dapat umanong makuha ni Madam Gina ay 13 boto para siya makompirma.

Isang babae na nagpakita ng pagmamahal sa kapaligiran at likas na yaman ng ating bansa ang nabigong makuha ang puwesto bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Isang babae na tahasang nagpahayag ng disgusto sa malalaking komprador burgesya at mga dayuhang kompanya na nang-aabuso sa ating kapaligiran — binigo siya ng makapangyarihang Commission Appointments na kinabibilangan ng mga mambubutas ‘este mambabatas.

Binastos si Madam Judy, isang ‘tunay na lingkod ng bayan’ na walang halong kaplastikan ang paglilingkod sa sambayanan at ibinasura naman ang appointment ni Madam Gina…

Kaninong interes ba talaga ang kinakatawan ng mga taga-CA?!

Interes pa ba ng sambayanang Filipino?

O interes ng mga dayuhan at komprador burgesya!?

God save our environment!

REACTION SA SECRET
ROOM NG PRESINTO UNO

GOOD day sir JSY, pakiparating ho sa publiko na ang sinasabing secret cell/room na nadiskubre ng CHR sa MPD PS1 ay tila nagmukhang SIKRETO dahil lamang sa BOOKSHELVES/APARADOR na ginawang pintuan ng silid na nagsilbing pansamantalang holding area dahil punong-puno na ang detention cell ng presinto. Hindi na ho sikreto ang silid dahil agad-agad nadadalaw sila ng mga kamag-anak nila pagkahuli bago gawan ng papel at ipasok sa masikip na kulungan. Matagal na ho talaga ‘yan sir na nagsimula pa noong panahon namin sa presinto uno, sa Don Bosco PCP ho nagsimula ang APARADOR na pintuan. Nagsilbing iwas-huli raw po kapag mayroong espesyal na bisita si kupitan noon, hanggang nagpagawa sila ng dating station commander ng Presinto Uno ng isang APARADOR na pintuan na ginamit rin sa silid ng dating C.O.P ng uno. Ilang hepe ang nagdaan at naupo sa presinto hanggang napalitan ni Supt. R. Domingo at tinanggal ang APARADOR na pintuan na gamit sa opisina ng C.O.P na kanyang pinalitan. Naisipan siguro nina Sir Domingo na ilipat na lamang sa tanggapan ng SAID/DEU ang APARADOR na pintuan para mapakinabangan dahil sa dami ng papeles na ginagawa ng tropa. Kaya’t bandang huli ho ay naging pintuan ng dating pasilyo patungo sa bodega na ginawang ‘secured’ temporary holding area ng mga drug suspects na nakatakda pa lamang gawan ng papel bago ipasok sa kulungan. Pakitago po ang email ko sir, nais ko lamang ho ipaalam sa inyo at sa publiko ang kuwento sa likod ng sinasabing secret room dahil tila nagmukhang sikreto lamang dahil sa pinausong aparador na pintuan ni MPD Kupitan. –

e-mail withheld … BatsSaid@……

DROGA AT SUGAL
NAMAMAYAGPAG PA
SA MAKATI!?

SIR Jerry, sumbong ko lang po ang mga di makataong pulis dito sa amin sa Makati. Mga pakitang-tao at pabibo lang sila sir mana sa kanilang amo sa city hall pero nasa paligid lamang po nila ang mga nagkalat na illegal. Gaya po sa paligid ng PCP3 Makati police Brgy. Pio D. Pilar na nagkalat ang bentahan ng shabu at puwestohan. Nasa paligid rin mga nagkalat na saklaan. Alam po ng mga pulis ni Mayora Binay ‘yan sir Jerry. Pakiparating po kay C/PNP Bato na dapat maispatan rin ang mga pulis na patong diyan. Pakitago na lang ang cp number ko sir.

+63917994 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *