Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden may future na, ‘di pa man isinisilang ang tambalan nila ni Maine

KUNG may mangilan-ngilan (inuulit naming, mangilan-ngilan) sa mgaAlDub fan ang may makitid na pang-unawa ay mas marami pa rin ang may malawak na perspektibo sa pagtanggap sa katotohanang hindi na kasing-init ngayon ang popularidad nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Assuming bang pumapalo sa ratings ang AlDub teleserye, sa tingin ba nila’y tatapusin ito agad ng GMA? Mayo na ngayon, ilang araw at linggo na lang ay hindi na ito mapapanood sa ere.

Buti na lang, there are still a lot of fans na mayroong analytical mind sa pagsasabing AlDub will have to wait until the right project comes along. Puwedeng sila pa rin ang magbida sa panibagong teleserye o maaari rin naman silang ipareha sa ibang Kapuso artists.

Why not? Ito ang strength ng ABS-CBN kompara sa GMA. Mas willing to take the risk ang Kapamilya Network by experimenting loveteams. At kung sablay man sila, hindi ‘yon dahilan para itigil nila ang kanilang pagiging fearless at risqué until they hit the right formula.

On his own, malaki ang future ni Alden. Hindi pa man isinisilang ang tambalan nila ni Maine noon ay lutang na ang potensiyal ni Alden.

Ewan kung puwede rin namin itong sabihin patungkol kay Maine. Sa aminin man ng kanyang mga tagasuporta o hindi, ilang milya pa ang kanyang lalakbayin sa departamento ng seryosong pagganap.

Without Alden, ewan kung may kinabukasang naghihintay kay Maine.

Sa true lang.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …