Saturday , November 16 2024

Tanong ng whistleblowers: P8-M ni Robredo galing kanino?

050317_FRONT
INOBLIGA kahapon ng Whistleblowers Association of the Philippines (WAP) si Bise Presidente Leni Robredo na isapubliko ang tunay na pinag-kuhaan ng P8 milyon na kanyang ipinambayad sa Korte Suprema bilang cash deposit sa counter protest na isinampa niya sa poll complaint ni da-ting Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Si Robredo ay naghabol kahapon ng umaga sa limang araw na palugit ng mga Mahistrado ng Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) para sundin ang utos na magdeposito nang paunang P8 milyon bilang pantustos sa gagawing paghakot ng ballot boxes at iba pang gamit noong nagdaang 2016 vice pre-sidential election.

“Dapat klaro ang totoong pinagmulan ng pe-rang ipinambayad ni Ginang Robredo para walang alinlangan ang mamamayan na nakokompromiso ang opisina ng pangalawang pangulo sa milyon-milyong pisong donasyon,” pahayag ni Cam, pangulo ng Whistleblowers Association of the Philippines.

Ipinaalala ni Cam, sa Statement of Contributions and Expenditures ni Robredo na ang inihain sa Comelec umano’y napasama sa listahan ng mga nagbigay ng campaign funds na umabot nang mahigit P.5 bilyon ang pangalan ng kapatid ng isang kilalang druglord sa Visayas.

“Pinaalalahanan namin si Ginang Robredo na ‘yong mga sinabi ni-yang pangalan na nagpautang sa kanya nang milyon-milyong piso ay puwede naming busisiin ang record sa BIR kung tugma ang kanilang nai-deklarang cash assets sa binayarang buwis upang patunay na hindi niya niloloko lang ang publiko,” pahayag ni Cam.

“Ang importante, kailangan malinaw na hindi galing ang P8 milyon sa drug lord, o sa kanino mang ilegalista,” pagtiti-yak ng lider ng grupong whistleblower.

Kanyang idinagdag na tungkulin ni Robredo ang pagsasapubliko ng kanyang pinagkukuhaan ng panggastos sa counter-protest upang hindi mabahiran ng duda na ilegal na pinakikinabangan ng mga tumutulong sa kanyang pinansiyal na pangangailangan ang kanyang poder sa gobyerno.

Nakatakda pang magdeposito si Robredo nang mahigit P7 milyon sa 14 Hulyo 2017 bilang ka-buuang bayad sa mahigit P15 milyong gastusin sa 8,000 clustered precincts na sinasabi niyang nadaya rin siya ni Marcos.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *