Saturday , November 16 2024

Ilegal ‘di beybi kay Duterte — Aguirre

050317_FRONT

TINIYAK ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi kailanman kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gawaing ilegal sa kanyang administrasyon.

“I believe that PRRD will not tolerate any illegal act,” giit ng Kalihim sa naging mahigpit  na direktiba ng Pangulo laban sa mga ilegal na gawain.

Kaugnay nito, binalaan ni Aguirre ang mga patuloy na lumilinya sa ilegal na gawain katulad ng mga gumagamit sa CEZA.

“The operation of Meridien outside of CEZA is illegal,” diin ni Aguirre.

Matatandaang nauna nang pinirmahan ni PDU30 ang Executive Order (EO) No. 13 na naglalayong  palakasin  ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal gambling.

Pinirmahan noong 12 Pebrero 2017 kaya naging epektibo antimano.

Sa ilalim ng nasabing kautusan ay inaaatasan ang lahat mga ahensiya katulad ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, at Department of Information and Communications Technology na magsanib-puwersa para  sugpuin  ang mga ilegal na pasugalan.

Tiniyak din ng Malacañang na hindi sasantohin ng Duterte administration si Charlie “Atong” Ang, sa sinasabing illegal gambling operations.

Magugunitang mismong sina National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon at Justice Secretary  Aguirre ang nagbulgar sa illegal gambling operations ni Ang, lalo sa labas ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Lumalabas na binabalewala ni Ang ang EO 13 na pinirmahan ng Pa-ngulo nitong Pebrero, para paigtingin ang kampanya kontra illegal gambling operations sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang ‘sacred cow’ sa gobyerno ni Pangulong Duterte kabilang na si Ang.

Ayon kay Abella, hahayaan sa mga kinauukulang ahensiya  ng gobyerno ang pagkilos para panagutin at pasunurin sa batas si Ang.

“It will be under the proper authority to make sure that Atong Ang will comply,” ani Abella. “Under the Duterte administration there is no sacred cows.”

HATAW News Team

AGUIRRE
HUGAS-KAMAY
SA KONEKSIYON
KAY KIM WONG

ITINANGGI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang alegasyon sa kanya ni gaming operator Charlie “Atong” Ang, na siya ay protektor ng casino junket operator na si Kim Wong, sinasabing kanyang kompadre dahil ninong siya ng isa sa mga anak ng huli.

Tinawag niyang sinungaling si Ang, at may ugaling gumawa ng kuwentong at mga alegas-yong walang basehan.

“Kim Wong is never my kompare. I am never a ‘ninong’ of any of his children. Atong Ang is a liar,” ayon kay Aguirre.

Sinabi ng kalihim, gusto siyang buweltahan ni Ang makaraan niyang iutos ang pagsalakay sa illegal online gambling operations ni Jack Lam, business partner at best friend ng gaming operator, at hindi niya kayang tanggapin na malapit nang matapos ang kanyang illegal gambling ope-rations.

Hamon ng kalihim kay Ang, “Maglabas ng ebidensiya dahil ang mga akusasyon sa akin ay walang katotohanan.”

(BRIAN GEM BILASANO)

NBI, BI PERSONNEL
NAKAPAYOLA
KAY ATONG ANG

ISINIWALAT ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ilang indibidwal sa National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Immigration (BI), ang nasa ‘payola’ ng kontro-bersiyal gambling lord na si Charlie “Atong” Ang.

Kaugnay nito, naglabas si Aguirre ng  Department Order 267, para sa isang ‘investigation and case-build up’ sa alegas-yon ni Ang.

Pahayag ni Aguire, ”The NBI, through Director Dante A. Gierran is hereby directed and granted authority to conduct investigation and case build-up over the accusations of Charlie “Atong” Ang against the Secretary of Justice and National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.”

Iniutos din ng kalihim na kilalanin ang mga sinasabing ‘kaibigan’ ni Ang.

“He pays government officials for protection and these officials include people from the NBI and the Immigration. I have already ordered an investigation to identify who these people are,” dagdag ng kalihim.

Nakatakdang busisiin at imbestigahan ang Meridien Vista Gaming Corporation (MVGC), sinasabing pagmamay-ari ni Ang, na nag-o-operate ng jai alai off fronton sa Sta. Ana, Cagayan, at ang prankisa ay ibinigay ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) noong panahon ng Arroyo administration.

(BRIAN GEM BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *