WASHINGTON – Ipinaliwanag ng Washington ang intensiyon ng pag-imbita ni US Pres. Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House.
Magugunitang makaraan ang ASEAN Leaders’ Summit nitong Sabado, nagsagawa ng ‘friendly call’ kay Pangulong Duterte si Trump at tinalakay ang anti-drug war ng Filipinas at alyansa ng dalawang bansa.
Sinabi ni White House chief of staff Reince Priebus, naniniwala siyang may kinalaman sa tensiyon sa Korean Peninsula ang pagtawag ni Trump kay Duterte.
Ayon kay Priebus, nakababahala ang mga development sa North Korea at kailangan ng US ang kooperasyon sa lahat ng antas sa mga kaalyado o partners sa rehiyon.
“The issues facing us, developing out of North Korea, are so serious that we need cooperation at some level with as many partners in the area as we can get,” ani Priebus.