Sunday , December 22 2024

Pergalan hindi mapigilan

ANG mga perya ay maliliit na karnabal na madalas makitang nagsusulputan kapag may piyesta o kaya ay malapit na ang Pasko, upang pasyalan ng mga tao na ibig magsaya sa kanilang handog na rides na tulad ng Horror Train, Ferris Wheel at Merry-Go-Round.

Ang mga ‘pergalan’ naman ay maliit na perya sa paningin ng tao na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng color games at drop ball.

Wala itong pinipiling panahon dahil kahit ano pang petsa ng buwan ay puwedeng buksan at patakbuhin ng mga ilegalista. Dinarayo ito ng mga tao na adik sa sugal.

Ang perya ay legal na pinatatakbo dahil kumukuha ito ng permit para makapag-operate at nagbabayad ng kaukulang amusement tax sa gobyerno.

Pero ang mga pergalan ay walang binabayarang permit to operate o amusement tax sa gobyerno. Tuloy-tuloy ang kanilang operasyon dahil ang nagsisilbing permit para sila mag-operate ay kuwarta na kanilang itinatapal sa pagmumukha ng mga corrupt na awtoridad na sisita sa kanila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang baluktot na sistema na kapag ilegal ang negosyo at malaki ang kinikita ay nakararating agad sa malakas na pang-amoy ng mga tiwaling pulis.

Ibibigay lang ng mga kotongerong pulis ang napakahalaga nilang basbas para makapag-operate ang ilegalista kung magbibigay ng lingguhang parating o lagay sa kanila.

At isa sa mga namamayagpag kung color games ang usapan ang tinaguriang ‘reyna’ ng pergalan na si “Marissa” na ang operasyon ay katabi lang ng sangay ng Andok’s sa Quezon Boulevard sa Quiapo.

Bukod dito ay may pergalan din siya sa Ilaya sa Divisoria na malapit lang sa mismong Police Community Precinct o PCP at pati na sa simbahan. Kapag nagsara na ang simbahan ay bubuksan naman ang kanyang sugalan.

Kahit maging kapitbahay pa niya ang tahanan ng kabanalan o ang presinto ay hindi natitinag si Marissa sa kanyang pagpapatakbo ng ilegal na sugal.

Dati na rin ibinunyag at binatikos ng Firing Line ang color games ni Marissa pero sandali lang itong tumigil ng operasyon, at agad nagpatuloy ang maliligayang araw.

Muli tayong nananawagan kina Superintendent Santiago Pacual III, Manila Police District Station 3 chief, at Superintendent Arnold Thomas Ibay, MPD Station 2 chief, na nakasasakop sa Quiapo at Ilaya. Aksiyonan po sana ninyo ang pamamayagpag ni Marissa.

May katotohanan kaya na kahit kay Mayor Erap Estrada ay malakas ang ilegalistang ito? Sino kaya ang kanyang koneksiyon?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *