NAGBABALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa teroristang grupong Abu Sayyaf, na kayang buwagin ng militar ang kanilang puwersa bago pa man matapos ang anim buwan deadline.
Naniniwala si AFP chief General Eduardo Año, ang pagkamatay ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ay malaking bagay para tuluyang matalo ang puwersa ng teroristang grupo.
Ayon kay Año, si Mi-saya ay para rin si Abu Rami, na utak sa pagdukot sa foreigners at walang takot na terrorist fighter.
Malaki umano ang na-ging papel ni Misaya sa recruitment ability para mahimok na sumali sa grupo ang mga Tausog.
Magugunitang nitong Enero, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang six-month deadline para sa AFP na pulbusin ang local terror groups, kabilang ang Abu Sayyaf, Maute group, Ansar Khalifah Philippines, at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.