Monday , December 23 2024

Kilos protesta humugos sa kalsada (Obrero bigo sa unang Labor Day ni Digong )

050217_FRONT

SINALUBONG ng mga manggagawa ng kilos-protesta ang pagdiriwang ng Labor Day sa Filipinas.

Tinatayang 2,300 miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang nagmartsa patungong Welcome Rotonda mula Agham Road sa Quezon City.

Bitbit ng nasabing grupo ang volture na effigy na may disenyong inihalintulad sa watawat ng Estados Unidos.

Ayon sa Kadamay, hiling nila sa Duterte administration na tuluyang ibasura ang kontraktuwalisasyon, gayondin ang pagpasa sa mas mataas na minimum wage at pabahay para sa mahihirap.

Umaasa rin silang magkakaroon ng konkretong plano si Pangulong Rodrigo Duterte para sa katulad nilang mahihirap na Filipino.

Pagkatapos sa Welcome Rotonda, dumiretso ang militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio sa Lawton, Maynila kasu-nod nito ay sa Don Chino Roces (Mendiola) St., malapit sa Malacañang, upang makiisa sa iba pang mga nagpopro-testang grupo.

Habang nagsagawa naman ng kanilang kilos protesta sa Makati City ang ilang business process outsourcing (BPO) employees, tinatawag ang kanilang sarili bilang “Bayaning Puyat.”

Kanilang kinondena ang anila’y “neoliberal attacks” sa labor.

Samantala, aabot sa 1,500 miyembro ng grupong Kulisang Mayo Uno (KMU) ang nagtipon-tipon sa Xevera Subd., Brgy. Tabun, Mabalacat City, Pampanga.

Nagtipon-tipon ang mga manggagawa sa Western Visayas para i-panawagan sa pamahalaan ang pagbibigay nang mas mataas na sahod at job security.

Hiniling ng grupo ang pagbasura sa labor contractualization sa bansa.

Nasa 150 miyembro ng Salamat Po Manggagawa at Lakas Manggagawang Nagkaisa sa Honda, ang nagtipon-tipon sa Sta. Rosa, Laguna.

Sabay-sabay na isinagawa ang rally sa Metro Manila at ilang key cities sa bansa gaya ng Bacolod, Cebu, Cagayan de Oro, Tacloban at Davao.

HATAW News Team

ISKUWATER
DUMAMI SA ENDO

LUMOBO ang bilang ng mga maralitang lungsod dahil binansot ng kontraktuwalisasyon ang kita ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa.

“Contractualization has stunted the salaries of millions of workers around the country. With rising prices of basic commodities, they have no hope of economic relief for as long as endo practices continue to remain in place,” anang Labor Day Message ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon kahapon.

Giit ni Ridon, umiiral pa rin ang kontraktuwali-sasyon bilang patakaran ng mga negosyante at ang bagong anti-contractualization policy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay naging limitado lang sa mga batas na nagpapahintulot ng Endo (end of contract)

Ang kakarampot na sahod ng mga obrero ang nagtutulak sa milyon-milyong endo workers na maging iskuwater dahil hindi nila kayang magba-yad ng upa sa maayos na tirahan.

Gumagapang din aniya sa hirap ang Endo workers para matustusan ang pag-aaral ng mga anak at magpagamot kapag nagkasakit.

Hirit ni Ridon, sertipikahan bilang urgent ng Palasyo ang isang batas na magbabawal sa endo bilang paraan ng em-pleyo.

Kaugnay nito, magpapalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na magpapatupad ng istriktong implementasyon ng endo.

Sa talumpati ng Pangulo sa Araw ng Paggawa ngayong araw sa Peoples Park sa Davao City, sinabi niya na kukuha siya ng karagdagang labor inspector para magbantay sa iba’t ibang kompanya sa bansa.

Nakiusap din ang pangulo sa labor union na magsagawa ng pag-iinspeksiyon sa mga establis-yemento.

Apela ng pangulo sa labor unions, magbigay ng tamang report dahil kapag in-adopt niya ang report at napahiya lamang siya, tiyak na magkakaroon ng problema ang working relationship ng pamahalaan at ng labor group.

Nanindigan ang pa-ngulo na pursigido siyang tuldukan ang endo.

(ROSE NOVENARIO)

10.4-M PINOYS
JOBLESS

TINATAYANG 10.4 milyong Filipino ang nanatiling walang trabaho sa unang quarter ng 2017, ayon sa inilabas na resulta ng opinion poll, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa unang Labor Day sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon din sa nasabing survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula 25 hanggang 28 ng Marso, bumaba ang “net optimism” sa mga bakanteng trabaho.

Napag-alaman sa survey na inilabas nitong Lunes, 22.9 porsiyento ng 1,200 adults nationwide ang jobless, 2.2 puntos na mababa kaysa 25.1 porsiyento o tinatayang 11.2 milyon jobless adults na naitala noong December 2016 poll.

Ayon sa SWS, ang “joblessness” ay sakop ang mga walang trabaho sa kasalukuyan at mga naghahanap ng trabaho.

Kabilang din dito ang “unemployed individuals” na hindi naghahanap ng trabaho, katulad ng mga misis at mga estudyante.

MAKABULUHANG
PAPEL NG OBRERO
KINILALA NG PALASYO

KINILALA ng Palasyo ang mahalagang papel ng mga manggagawang Filipino sa pag-iral ng makatao, makabayan at makatarungang lipunan.

“Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawang Filipino sa pagsulong ng mga karapatan para sa maka-taong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong paki-kipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaang magpahayag ng saloobin. Kinikilala ng ating pamahalaan ang mga karapatang ito ng mga manggagawa,” nakasaad sa Labor Day message ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Tiniyak ng Pangulo, sinisikap ng Department of Labor and Employment (DoLE), sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya, na makapagbigay ng libo-libong trabaho rito mismo sa ating bansa.

Ang bunga aniya ng paggawa ay nararapat na maibahagi nang patas sa lahat nang nakikilahok sa tunay na pagbabago.

Hinimok ni Duterte ang mga obrero na maki-pagtulungan sa gobyerno upang lalong mapagtibay ang pundasyon para sa mas payapa at progresibong Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *