PERSONAL na dinalaw ng mga kasamahang senador na kanyang alyado, si Sen. Leila de Lima sa detention facility sa Camp Crame, Quezon City.
Kabilang sa mga bumisita kay De Lima sina Sen. Antonio Trillanes IV, at Sen. Kiko Pangilinan, habang sumunod sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Sen. Risa Hontiveros.
Ilan sa sinasabing napag-usapan sa kanilang pagpupulong ang tungkol sa pending bills ni De Lima at mga kontrobersiyal na panukalang batas, na tinututulan ng kanilang grupo.
Kabilang sa mariing kinokontra ni De Lima ang pagbabalik ng death penalty, at pagpapababa ng edad sa mga kabataang sasampahan ng kaso.