TINATAYANG 50,000 contractual employees ang nabigyan ng re-gular na posisyon sa ilalim ng Duterte administration.
Pagmamalaki ito ni Labor Sec. Silvestre Bello sa Araw ng Paggawa kahapon.
Aniya, karamihan sa mga manggagawang nabigyan ng regular na posisyon ay mula sa mga kompanyang tumugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa “endo” o kontraktuwalisasyon.
Samantala, dahil kulang umano ang inspector ng Department of Labor ang Employment sa buong bansa sa bilang na 500, balak ng kagawaran na bumuo ng regional inspection and audit teams.
Ang regional inspection and audit teams ang mag-iinspeksiyon sa mga kompanya sa buong bansa upang mabatid kung sinusunod ang labor laws.