TINATAYANG 10.4 milyong Filipino ang nanatiling walang trabaho sa unang quarter ng 2017, ayon sa inilabas na resulta ng opinion poll, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa unang Labor Day sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon din sa nasabing survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula 25 hanggang 28 ng Marso, bumaba ang “net optimism” sa mga bakanteng trabaho.
Napag-alaman sa survey na inilabas nitong Lunes, 22.9 porsiyento ng 1,200 adults nationwide ang jobless, 2.2 puntos na mababa kaysa 25.1 porsiyento o tinatayang 11.2 milyon jobless adults na naitala noong December 2016 poll.
Ayon sa SWS, ang “joblessness” ay sakop ang mga walang trabaho sa kasalukuyan at mga naghahanap ng trabaho.
Kabilang din dito ang “unemployed individuals” na hindi naghahanap ng trabaho, katulad ng mga misis at mga estudyante.