SA media interview kay Duterte sa pagtatapos ng ASEAN Leaders’ Summit kamakalawa ng gabi, inihayag niya na ihihirit niya kay Trump na habaan ang pasensiya kay North Korean leader Kim Jong-un, lalo na’t naghahanap ito ng damay sa layunin na mag-lunsad ng nuclear war u-pang magunaw ang mundo.
“Do not play into his hands. The guy simply wants to end the world. That is why he is very happy. He is always smiling. But here he wants to finish everything and they will drag us all down,” aniya.
Binigyan-diin ni Duterte, kapag nagsabong ang mga armas ng North Korea at Amerika, ang rehiyong Asya-Pasipiko, lalo na ang sampung bansa sa ASEAN, ang pangunahing mapipinsala.
“I would say just, ‘Mr. President, please see to it that there is no war because my region will suffer immensely.’ The first. The first fallout would be ASEAN, Asia, very near, very dangerous,” anang Pangulo sa pakikipag-usap niya kay Trump.
Lahat aniya, lalo na ang ASEAN, ay nababahala sa girian ng Nokor at US na animo’y may mga ta-ngan lang na laruan na pinag-aaway kaya’t dapat mag-ingat sa pagpapayo sa mga nasabing bansa upang maiwasan ang nakaambang delubyo kapag natuloy ang nuke war.
“And it would really mean the first victim would be Asia and Southeast — the whole of the ASEAN countries and the rest because if those are really nuclear warheads then it means the end of the world,” dagdag niya.
Kinikilala ni Pangulong Duterte ang mahalagang papel na gagampanan ng China para awatin ang pambu-bully ng North Korea sa mundo na maglulunsad ng nuke war.
Habang si Trump ay nagpahayag na ang pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea nitong Biyernes ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa China.
Ani Duterte, kapag hindi kumilos ang mga superpower gaya ng China, Russia ,Great Britain, France, Amerika at Japan para kontrahin ang North Korea ay maglalaho ang mundo sa isang kumpas ng leader nito.