BIGONG makalapit ang mga militanteng nagprotesta sa Philippine International Convention Center habang ginaganap ang Association of Southeast Asian Nations Summit, nitong Sabado ng umaga
Nagtipon muna sa Taft Avenue ang mga demonstrador mula sa iba’t ibang party-list at civic groups, para magsagawa ng maiksing programa bago nagmartsa patungo sa Quirino Avenue para makalusot sa Roxas Boulevard diretso sa PICC.
Hindi natuloy ang i-nisyal na ruta ng mga mi-litante dahil sa inilagay na barikada ng anti-riot police, na kompleto ang mga kalasag at pamalo, sa Adriatico St., sa tapat ng Manila Zoo.
May inihanda ring mga truck ng bombero sakaling kailanganin sa dispersal.
Nagkagirian at nagkasigawan, ang mga pulis at mga nagproprotesta, ngunit walang nasaktan nang magdesisyon ang mga militante na sa Quirino Avenue na lang magpahayag ng kanilang pagtutol sa ASEAN summit.
Tinututulan ng iba’t ibang grupo ang ASEAN Summit dahil wala anilang silbi sa pamumuhay ng pangkaraniwang Filipino.