HINDI na igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihiling na clemency para sa overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nasa death row sa Indonesia dahil sa kinakaharap na kaso kaugnay sa ilegal na droga.
Ilang minuto bago pormal na magsimula ang official welcome ceremony ni Pa-ngulong Duterte kay Indonesian President Joko Widodo sa Malacañang Palace, sinabi niyang ipauubaya na lamang niya ang desisyon sa gobyerno ng Indonesia sa kaso ni Mary Jane Veloso.
Magugunitang si Veloso ay nakulong sa Indonesia makaraan mahulihan ng ilegal na droga at nahatulan ng kamatayan.