Saturday , November 16 2024

Babala sa raliyista: ‘Wag magpumilit sa ‘di designated areas — Bato

 HINDI makalapit sa harapan ng tanggapan ng US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila ang iba't ibang mga militanteng grupo nang dumating ang karagdagang mga pulis mula sa RPSB, kung saan nagsimulang nagtitipon-tipon sa Liwasang Bonifacio upang magprotesta ang kanilang kahilingan na ang ASEAN ay dapat para sa mamamayan kasabay ng panawagan na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Amerika. ( BONG SON )

HINDI makalapit sa harapan ng tanggapan ng US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila ang iba’t ibang mga militanteng grupo nang dumating ang karagdagang mga pulis mula sa RPSB, kung saan nagsimulang nagtitipon-tipon sa Liwasang Bonifacio upang magprotesta ang kanilang kahilingan na ang ASEAN ay dapat para sa mamamayan kasabay ng panawagan na ibasura ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Amerika. ( BONG SON )

NAGBABALA si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa sa mga militanteng grupo, magkakaroon ng malaking problema kung magpupumilit ang mga raliyista na magsagawa ng kilos protesta sa mga lugar na hindi designated areas.

Sinabi ni Dela Rosa, hindi nila pinagbawalan ang mga raliyista na magsagawa ng kilos protesta lalo na sa lugar na inilaan para sa kanila.

Tiniyak ng PNP chief, mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance sa mga raliyista.

Ito ang mahigpit niyang bilin sa mga miyembro ng PNP Crowd Disperal management team.

Kaugnay nito, mahigpit na mino-monitor ng PNP ang mga militanteng grupo na nagsasagawa ng kilos protesta lalo na ang mga grupong nagtakang pumasok sa may area ng U.S. Embassy.

Ang itinalagang lugar ng PNP para magsagawa ng rally ay sa Liwasang Bonifacio.

Gayonman, umaasa si Bato na makikipag-cooperate ang militanteng grupo sa mga awtoridad.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *