Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Swak na show ni Derek, ligwak na ba sa TV5?

MARTES NG gabi nang may mamataan kaming mga gamit sa taping sa basement parking ng bakuran ng TV5 sa Reliance St., Mandaluyong.

Sa aming pag-uusisa’y bahagi pala ‘yon ng ipinoprodyus ng Digi5 ng nasabing estasyon. In sight kasi was Jasmine Curtis-Smith, ang homegrown artist ng Kapatid Network.

Nauna rito, mismong sa dating Startalk host na si Butch Francisco namin nabalitaan na kasama siya sa isang Digi5 production, isang two-part special ‘yon na isang straight news reporter ang papel na kanyang ginampanan.

Yes, TV5 is going toward the digital direction. Huwag nang umasa na magpu-full blast pa ito sa mainstream television as it did sa pagsisimula ng 2016 only to cancel its shows one after another.

Bigla tuloy namin naalala how long it has been for Jasmine (saying, mahusay pa naman siya) na nakatengga lang only to stage a comeback via a digital production.

Samantala, tanong namin sa kapwa naming usisero sa labas ng TV5, paano na ‘yung sinasabing pagbabalik-TV5 project ni Derek Ramsay, ang tila last man standing among the artists na pinirata’t nagsilundagan sa Singko many years ago?

Hindi ba’t ang press release ng TV5 ay bubulagain na lang tayo ni Derek via a program na swak na swak sa kanya?

Swak pa nga ba ‘yon, o ligwak na?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …